Ito ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.
Ano ang Wika?
Ito ang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa mga aklat at dokumentong pormal.
Ano ang Pambansa?
Ito ang katutubong wikang naging batayan ng wikang pambansa noong 1935.
Ano ang Tagalog?
Ito ay pansamantalang barayti ng wika na nakabatay sa grupo o sosyo-ekonomikong estado.
Ano ang Sosyolek?
Ito ang tawag sa wikang unang natutunan mula pagkabata.
Ano ang Unang Wika?
Ito ang tawag sa agham na pag-aaral ng wika.
Ano ang Lingguwistika?
Ito ay malalalim at masining na salita na karaniwang matatagpuan sa panitikan.
Ano ang Pampanitikan?
Ito ang tawag sa wikang pambansa noong 1959.
Ano ang Pilipino?
Ito ay personal na istilo ng paggamit ng wika na simbolo ng pagkatao.
Ano ang Idyolek?
Ito ang wikang natutunan pagkatapos ng unang wika.
Ano ang Pangalawang Wika?
Ang salitang “language” ay nagmula sa salitang Latin na ito na nangangahulugang “dila.”
Ano ang Lingua?
Ito ay antas ng wika na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, gaya ng “tropa” at “astig.”
Ano ang Balbal?
Ito ang kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.
Ano ang Filipino?
Ito ay wikang gamit sa loob ng tahanan.
Ano ang Ekolek?
Ito ay paggamit ng dalawang wika nang may halos pantay na kahusayan.
Ano ang Bilingguwalismo?
Ito ay katangian ng wika kung saan ginagamit ito ng pangkat ng taong kabilang sa isang kultura.
Ano ang Ang wika ay panlipunan/kultural?
Ito ay antas ng wika kung saan pinaiikli ang mga salita, gaya ng “meron” at “nasan.”
Ano ang Kolokyal?
Ito ang wikang ginagamit sa komunikasyon sa loob at labas ng pamahalaan ayon sa batas.
Ano ang Wikang Opisyal?
Ito ay uri ng wika kung saan walang iisang wikang alam ang nag-uusap kaya't bumubuo ng pansamantalang komunikasyon.
Ano ang Pidgin?
Ito ay paggamit ng higit sa dalawang wika sa isang lipunan.
Ano ang Multilingguwalismo?
Ito ang tawag sa wika ng isang partikular na rehiyon o lalawigan.
Ano ang Diyalekto?
Ito ay antas ng wika na limitado sa isang partikular na lalawigan.
Ano ang Lalawiganin?
Ito ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon at pagtuturo.
Ano ang Wikang Panturo?
Ito ay barayti ng wika na naging unang wika ng komunidad, gaya ng Chavacano.
Ano ang Creole?
Ito ang tawag sa wikang katutubo sa isang partikular na lugar.
Ano ang Bernakular?