Sino ang nagpatupad ng monopolyo sa Pilipinas noong Marso 1, 1782?
Gobernador-Heneral Jose Basco y vargas
Ano ang buong pangalan ni Hermano Pule?
Apolinario Dela Cruz
Ano ang tawag sa gamit nilang pang-transportasyon sa kalakalan?
Galyon
Ito ay isang halamang may pangalang pang-agham na Nicotiana tabacum
Tabako "Tobacco"
Anong tawag sa mga pilipinong nagkaroon ng pormal na edukasyon?
Ilustrado
"Nakapagpagawa ng kalsada, gusali, at tulay. Napailawan ang ilang mga bayan." Ito ba ay kabutihan o di-kabutihang dulot ng monopolyo sa tabako?
Kabutihan
Bakit pumunta si Hermano Pule sa Maynila sa edad na 24?
Para maging isang pari
"Ayon sa ideyang merkantilismo, ang sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng mahahalagang metal, lalo na ng ginto at pilak." Ito ba ay TAMA o MALI?
TAMA
Ito ay mga lupa, teritoryo, at kayamanan na likas na pagmamay-ari ng mga katutubo
Ancestral Domain
Ito ay may 193.30-kilometrong kanal ay isang pangunahing ruta ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
Suez Canal
Sino ang nagpatigil ng monopolyo sa tabako noong taong 1882?
Gobernador-Heneral Fernando primo de rivera
Anong kapatiran ang kaniyang itinatag?
Cofradia de San Jose
Ano ang ibig sabihin ng "malayang kalakalan"?
Lahat ng mga bansa na kalahok sa kalakalan, kolonya man o hindi ay makikinabang sa kayamanan.
Bakit hindi tinaggap si Pule bilang isang pari?
Dahil isa siyang Indio
Anong panahon ang naglago ang mga ideya tungkol sa karapatan ng tao, katarungan, kalayaan, at pagpapalakas ng karunungan sa pamamagitan ng paggamit ng rasyonal na pag-iisip?
La Illustracion/The Enlightenment
Kapag hindi naabot ng gma magsasaka ang kanilang kota, ano ang kanilang ginagawa?
Bumibili sila ng ani sa ibang magsasaka sa napakataas na halaga.
Ano ang layunin ng Cofradia de San Jose?
1.Paglaganap ng relihiyon
2.Pagtulong sa mga Nangangailangan
3. Pananampalataya at paglilingkod kay San Jose bilang isang banal na patrono at modelo ng mga ama at mga pamilya.
Ano ang Merkantilismo?
Isang paniniwala na naglalayong mapalakas ang kapangyarihan ng mga monarkiya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang kalakalan at yaman.
Sino ang komandanteng ingles na humiling sa pagsuko ng mga Espanyol sa Maynila?
Heneral William Draper
Bakit bumaba ang kahalagahan ng paggamit ng tradisyunal na Galyon?
Pag-usad ng teknolohiya/Paggamit ng steamships
Ano ang maaaring epekto ng pagpapatupad ng kota ng aanihin sa mga magsasakang Pilipino?
Kahirapan
Paano nakaimpluwensya ang "Pag-aalsa ni Pule" sa pakikibaka ng mga Pilipino laban sa pananakop ng Espanya?
1. Nagbigay inspirasyon si Hermano Pule sa mga Pilipino upang magkaroon ng determinasyon at paninindigan laban sa pang-aapi ng mga Kastila
2. Pagpapahalaga sa Karapatan at Dignidad ng mga Pilipino
Ano ang dahilan kung bakit binuksan ang Suez Canal noong ika-17 ng Nobyembre 1869?
Upang mapabilis ang pag-aangkat ng produkto sa mga kolonya ng mga bansa sa Europa
Ano ang dahilan nang pagsakop ng Britanya sa Maynila?
Ito ang sentro ng kalakalan
Magbigay ng isang halimbawa ng naging epekto nang pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigan kalakalan.
Pagpasok ng mga dayuhang negosyante
Pagtaas ng kalakalan/ekonomiya
Pagpasok ng iba't-ibang kultura at ideya sa iba't-ibang panig ng mundo