Column 1
Column 2
Column 3
Column 4
Column 5
100

Ang ______________ kilos ng tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa Diyos.

A. mabilis

B. mabuting

C. maayos

D. masayang

B. mabuting

100

Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya.

A. Affection

B. Agape

C. Philia

D. Eros

C. Philia

100

Nagtanim ng mga bagong puno at halaman ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang. Sa aling aralin nakapaloob ang kaisipan na ito?

A. Mga Isyu ng Paggalang sa Buhay

B. Pagmamahal sa Diyos

C. Patriyotismo

D. Pagmamahal sa Kalikasan

D. Pagmamahal sa Kalikasan

100

Hindi sumang-ayon si Kristina sa kagustuhan ng kaniyang kasintaha na ipalaglag ang kaniyang dinadalang fetus. Sa aling aralin nakapaloob ang kaisipan na ito?

A. Mga Isyu ng Paggalang sa Buhay

B. Pagmamahal sa Diyos

C. Patriyotismo

D. Pagmamahal sa Kalikasan

A. Mga Isyu ng Paggalang sa Buhay

100

Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal.

A. Affection

B. Agape

C. Philia

D. Eros

B. Agape

200

Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.

A. Pagbabasa ng aklat tugkol sa Espiritwalidad

B. Panonood ng misa sa telebisyon

C. Pagbibigay ng tulong sa mga may kapansanan

D. Pakikinig sa magulang

A. Pagbabasa ng aklat tugkol sa Espiritwalidad

200

Hindi isinuko ni Michael sa Pulis si Erik kahit alam nya na ang may mabigat itong kaso at nakikituloy sa kanilang tahanan.

A. Korapsyon

B. Nepotismo

C. Bribery

D. Pakikipagsabwatan

D. Pakikipagsabwatan

200

Panganay sa magkakapatid si Erin. Napaka buti nyang ate, lagi niyang inaalagaan ang kaniyang nakababatang kapatid. Siya rin ang nag-aasikaso sa kanila kapag papasok sa paaralan. Anong uri ng pagmamahal ang pinamamalas ni Erin?

A. Affection

B. Agape

C. Philia

D. Eros

C. Philia

200

Nagsisimba ang pamilya ni Alexa tuwing lingo bilang pasasalamat sa kanilang mga biyayang natatanggap. Sa aling aralin nakapaloob ang kaisipan na ito?

A. Mga Isyu ng Paggalang sa Buhay

B. Pagmamahal sa Diyos

C. Patriyotismo

D. Pagmamahal sa Kalikasan

B. Pagmamahal sa Diyos

200

Ibinoto ng nakararami ang nahalal na gobernador dahil sa pangako nito na bibigyan ng sariling lupa’t bahay ang mga botante.

A. Nepotismo

B. Korapsyon

C. Kickback

D. Bribery

D. Bribery

300

Pinamahalaan ng pamilya ni Konsehal Arves ang lahat ng mga supplies sa proyekto ng kanilang syudad.

A. Nepotismo

B. Korapsyon

C. Kickback 

D. Bribery

A. Nepotismo

300

Kapag may problema ang isang tao makabubuti na lumapit siya sa pinagkakatiwalaan niyang tao upang matulungan siya na makahanap ng solusyon dito.

A. Tama, dahil ang problema ay masosolusyonan kung may karamay ka.

B. Tama, dahil kapag nagkwento ka sa iba ay ikukwento din nya ito at marami na kayong makakaalam.

C. Mali, dahil masamang nakikialam sa problema ng ibang tao.

D. Mali, dahil masasanay ka na umasa sa iba kapag may kailangan ka.

A. Tama, dahil ang problema ay masosolusyonan kung may karamay ka.

300

Nagkasakit ng malubha si Dorothy. Isang pambihirang sakit ang dumapo sa kaniy at wala pang lunas ang nadidiscover para dito. Kaya’t gumawa siya ng kasulatan na kung sakali na mahirapan na siya at wala na siyang malay ay maaari nang bunutin ang kaniyang “life support”. Ano ang tawag sa gawain na ito?

A. Karamdaman sa kaisipan

B. Mercy Killing

C. Cancer

D. Hazing

B. Mercy Killing

300

Matagal nang magkasintahan si Arman at Rose at nagbunga ang kanilang relasyon ngunit hindi pa sila handa sa responsibilidad ng pagkakaroon ng anak kaya’t ninanis na lamang nilang ipatanggal ito.

A. Aborsyon

B. Pagpapatiwakal 

C. Euthanasia

D. Alkoholismo

A. Aborsyon

300

Si Lea ay inatasan na kolektahin ang bayad ng kaniyang mga kaklase para sa kanilang proyekto ngunit kulang ang kaniyang ibinigay na pera sa kanilang guro dahil ginamit nya ito para pambili ng bagong sapatos. Anong isyu ang nakapaloob sa pangyayaring ito?

A. Korapsyon

B. Nepotismo           

C. Bribery

D. Pakikipagsabwatan

A. Korapsyon

M
e
n
u