Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.
AWIT 83:18
Dating asawa ng mayamang si Nabal. Na ang pangalan ay nangangahulugang, "Nagalak ang (Aking) Ama"
ABIGAIL
Ang lugar kung saan inihagis ang propetang si Daniel bilang parusa upang doon ito mamatay. Palibhasa’y ipinagsanggalang siya ng anghel, nang maglaon ay hinango siya mula rito nang walang pinsala.
YUNGIB NG MGA LEON
Ang termino na madalas gamitin sa Kasulatan upang tumukoy sa labí ng mga bagay na nasunog, na kalimita’y may makasagisag o makalarawang kahulugan. Ito ay isinasalin din bilang “alabok.”
ABO
Ang pangalang ito ay tuwirang iniuugnay sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.”
HAR–MAGEDON
Dahil alam ng mga buháy na mamamatay sila, pero walang alam ang mga patay; wala na rin silang tatanggaping gantimpala, dahil lubusan na silang nalimutan.
Eclesiastes 9:5
Ika-12 anak na lalaki ni Jacob at ang tunay na kapatid ni Jose.
BENJAMIN
ito’y nangangahulugang “ang di-nakikitang dako.” Ito ay tumutukoy sa karaniwang libingan ng sangkatauhan,
HADES
Isang naililipat-lipat na tolda ng pagsamba na ginagamit noon ng Israel; kung minsan ay tinatawag ding “tolda ng kapisanan.”
TABERNAKULO
Isang literal na hapunan na nagpapagunita ng kamatayan ng Panginoong Jesu-Kristo; samakatuwid ay isang memoryal ng kaniyang kamatayan. Yamang ito lamang ang okasyong iniutos ng Kasulatan na alalahanin ng mga Kristiyano, ito ay wasto ring tawaging Memoryal.
HAPUNAN NG PANGINOON
Dahil ang kabayaran para sa kasalanan ay kamatayan, pero ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon
ROMA 6:23
Ang lalaking ito na pastol, manunugtog, makata, kawal, estadista, propeta, at hari ay lubhang namumukod-tangi sa Hebreong Kasulatan. Siya ay isang matapang na mandirigma na nagpakita ng pagbabata sa ilalim ng mahihirap na kalagayan, isang lider at kumandante na may tunay at di-natitinag na lakas ng loob, gayunma’y mapagpakumbaba anupat kinilala niya ang kaniyang mga pagkakamali at pinagsisihan ang kaniyang malulubhang pagkakasala.
DAVID
Ang Romanong probinsiya na nasa gitnang bahagi ng kilala sa ngayon bilang Asia Minor. Ang mga binhi ng Kristiyanismo na inihasik dito ay nagluwal ng mabubuting bunga. Mula sa kanila nanggaling ang mga alagad na tulad nina Timoteo at Gayo.
GALACIA
Isang estatuwa o rebulto ng isang persona o bagay na kalimitan ay nauugnay sa idolatriya.
IMAHEN
Sinasabi ng Bibliya na ang puting buhok nila ay isang korona, parang mga diamond AT mahahalagang mahahalagang kayamananng kongregasyon.
Tapat na May-edad Na
Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa; sa halip, magtrabaho siya nang husto at nang marangal para may maibahagi siya sa nangangailangan.
EFESO 4:28
Anak ni Jose sa kaniyang asawang si Asenat, na anak ni Potipera na saserdote ng On. Siya ay nakababatang kapatid ni Manases,
EFRAIM
Isang magandang parke, o isang tulad-parkeng hardin. Ang salitang Griegong ito ay lumilitaw nang tatlong ulit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.
PARAISO
Isang Maliit na Kahon na Mapagkukunan ng Espirituwal na Pagkain. Na pinaggagamitan ng ating donasyon.
JW BOX
lumalarawan sa Samaria, ang kabisera ng 10-tribong kaharian ng Israel; at ang nakababata—lumalarawan sa Jerusalem, ang kabisera ng Juda.
OHOLA AT OHOLIBA
Mayroon pa akong nakita sa ilalim ng araw: Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan, hindi laging ang marunong ang may nakakain, hindi laging ang matalino ang nagiging mayaman, at hindi laging ang may kaalaman ang nagtatagumpay, dahil lahat sila ay naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.
ECL 9:11
Isang Kristiyanong may-ari ng alipin, kaugnay sa kongregasyon sa Colosas. Ang kaniyang bahay sa lunsod na ito sa timog-kanlurang Asia Minor ay nagsilbing isang dakong pinagtitipunan para sa kongregasyon doon. Siya ay napatunayang isang pinagmumulan ng kaginhawahan para sa mga kapuwa Kristiyano at isang halimbawa sa pananampalataya at pag-ibig. Itinuring siya ng apostol na si Pablo bilang isang minamahal na kamanggagawa.
FILEMON
Ang dating maliit na lunsod sa Latium na naging sentro ng pamahalaan ng pinakadakilang imperyong pandaigdig noong sinaunang panahon ng Bibliya; Ang pangingibabaw nito sa daigdig ay unti-unting naganap. Una, lumaganap ang kaniyang impluwensiya sa buong Peninsula ng Italya at nang maglaon ay umabot ito sa palibot at sa ibayo ng Mediteraneo. Ang pangalan ng lunsod ay halos naging singkahulugan ng pangalan ng imperyo.
ROMA
Isang mahalagang bato na malinaw o napaglalagusan ng liwanag; isang uri ng corundum. Bagaman ang mga safiro ay may sari-saring kulay, yaong mga kulay matingkad na asul ang pinakamimithi. Lumilitaw na ang mga ito ang tinutukoy sa Bibliya na asul.
SAFIRO
isang mapuwersang kasangkapan sa pagtuturo. nagpapahiwatig ng “paghahambing” isinalin ito sa iba’t ibang paraan bilang “figure,” “makasagisag na pananalita,” “talinghaga,” “kawikaan,” at “paghahambing”.
ILUSTRASYON