Ito ay ang kolektibong kaalaman o karanasang nakaimbak sa ating isipan.
Ano ang iskema?
Ang ugnayan ng mambabasa at ng binabasa niyang teksto.
Ano ang interaktibong proseso?
Ito ay ang kamalayan tungkol sa mga bagay na iyong iniisip.
Ano ang metakognisyon?
Ito ang mga bagay na naranasan o natutuhan ng mambabasa.
Ano ang dating kaalaman?
Ang kasanayan sa talasalitaan, pagkilala sa mga salita, gramatika o balarila, at ang organisasyon ng teksto ang susi upang maiugnay ang dating kaalaman sa binabasa.
Ano ang susi upang maiugnay ang dating kaalaman sa binabasa?
Dito nagaganap ang proseso ng pag-unawa at pag-intindi sa nabuong palagay ng mambabasa, nakatutulong ang mga nakalimbag na simbolo upang higit na pagtibayin ang nabuong palagay ng mambabasa sa nais ipakahulugan ng manunulat sa loob ng teskto.
Ano ang nangyayari habang nagbabasa?
Higit sa lahat, nakikilala at nauunawaan natin ang kahulugan ng mga salita sa binasa nating teksto dahil nauunawaan natin ang wikang ginamit sa pagsulat ng teksto.
Ano ang kaalaman sa gramatiko at bokabularyo?
Ito ay ang top-down approach at bottom-up approach.
Ano ang dalawang uri ng interaktibong proseso ng pagbasa?
Sa bahaging ito magbibigay ng reaksyon ang mambabasa, iuugnay na niya ang hinuha at ang napag-alaman niyang mensahe matapos niyang mabasa ang teksto.
Ano ang nangyayari pagkatapos magbasa?
Ito ay nagpapatunay na nakuha at naunawaan natin ang mensahe ng teksto, “umiiyak ang sanggol at nag-iisa ito.”
Ano ang pag-unawa sa pahayag?
Ang teksto ang nagdidikta sa kahulugan ng teksto. Inuunawa ng mambabasa ang teksto gamit ang kaniyang kaalaman sa wika.
Paano gumagana ang bottom-up approach?
Ginagamit ito sa pagbabasa ng teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o ekspektasyon ay wasto, may kulang o dapat baguhin.
Bakit ginagamit ang iskema sa pagbabasa ng teksto?
Nagaganap ito kung ang mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon sa kaniyang binabasa
Paano nagaganap ang top-down appproach?