Ang Tanka, Haiku at Tanaga ay impluwensya ng bansang ___________.
Hapon
Ang Pilipinas na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos ay nilusob ng Imperyo ng Hapon noong 1942.
1942
Ang Pilipinas na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos ay nilusob ng Imperyo ng Hapon noong 1942. Ano ang kasingkahulugan ng nilusob?
inatake
Sa pananakop ng Hapon nagkaroon dibersidad pagdating sa paniniwala dahil sa pagpapalawig ng _________.
kulturang Pilipino
Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong ________, at nanatiling mga alipin ang ilan sa kanila.
makapag-aral
Ang Haiku ay bibubuo ng ____ taludtod at may ____ kabuoang bilang ng pantig
tatlong taludtod
labimpitong pantig
Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas, Tarlac.Ang pangyayaring ito ay tinawag na _________________.
Martsa ng kamatayan
Binomba ng hukbo ng sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Ano ang kasingkahulugan ng binomba?
pinasabugan
Naging mas maayos at kontrolado ang ________ sa mga nasasakupan.
sistema ng pamumuno
Nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino na totoong pamahalaan ang _________.
sariling bansa
Ang tanka ay binubuo ng ilang taludtod? at ilan ang kabuoang bilang ng pantig?
limang taludtod
dalawanpu't isang pantig
Ano ang dalawang akdang lumaganap noong dumating ang mga Hapones?
Tanka at Haiku
Pagkaraan ng ilang mga linggo pagkatapos bombahin ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas, umatras sina General Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Pangulong Manuel L. Quezon. Ano ang kasalungat ng salitang umatras?
sumulong
Nabigyan muli ng sigla ang wikang Pambansa at natuto ang mga Pilipino magsulat ng mga ______.
Haiku
Bagama't sumigla ang panitikan sa panahon ng Hapon may mga manunulat , ang nakaranas ng mga ________at _______.
paghihirap at pagkakakulong
Sa panahon ng pananakop ng Hapon ipinagbawal ang wikang banyaga partikular ang wikang Ingles. Dahil dito, naging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang mga panitikan na kasama ang kanilang ______, _______, at ________.
kultura, paniniwala at kaugalian
Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa Pilipinas. Itinayo ng mga Hapones ang isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila. Sino ang nagsisilbing pangulo?
Jose P. Laurel
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa nang pinagbawal ng Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang katutubong wika. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang salitang sumibol.
Halimbawang sagot:
Sumibol ang maraming manunulat sa panahon ng pananakop ng Hapon sa bansa
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa nang pinagbawal ng Hapon ang paggamit ng wikang ______ at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang katutubong wika.
Ingles
Binomba ng hukbo ng sundalong Hapones ang Pilipinas noong ________.
Disyembre 8, 1941.
Nakapagsulat na rin ang mga Pilipino ng Haiku at Tanka na ang karaniwang paksa ay ______
naglalarawan ng buhay sa lalawigan, pagsasaka, pangingisda, at iba pang aspeto ng buhay
Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay nagdulot ng mga pagbabago at pag-usbong sa larangan ng _______, ____________, at ________ sa Pilipinas
panitikan, kultura, at lipunan
Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil malaya ang mga manunulat sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian, at paniniwalang Pilipino. Ano ang nais ipakahulugan ng gintong panahon?
Ang pagsigla ng manunulat, isa sa pangunahing dahilan ang paggamit ng wikang Tagalog at pagbabawal ng paggamit ng wikang banyaga
Maraming pagbabago sa bansa sa larangan ng kultura at panitikan
Ang panahon ng pananakop ng Hapon ay tinaguriang _____________ ng Panitikang Pilipino dahil malaya ang mga manunulat sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian, at paniniwalang Pilipino.
gintong panahon
Pilipinas, Dagok at Pamumukadkad sa Ilalim ng Pananakop ng Hapon ni Allan A. Ortiz
Patunayan kung bakit may salitang Dagok sa pamagat ng sanaysay
Hindi mawawala ang masamang epekto ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas. Nabago ang Kristiyanismo ang mga tradisyon at paniniwalang mga Pilipino. Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral, at nanatiling mga alipin ang ilan sa kanila. Nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino na totoong pamahalaan ang sariling bansa. ang mga manunulat ay nakaranas ng mga paghihirap at pagkakakulong