Sa panahon Pangulong Corazon C. Aquino, naglunsad siya ng Proklamasyon Blg.19 noong AGOSTO 25, 1986 na kumikilala sa wikang pambansa na gumawa ng papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan.
Sagot: Mali (tamang sagot: Agosto 12, 1986)
1. Sinong pangulo ang nagproklama ng Proklama Blg.1041?
A. Corazon Aquino
B. Ferdinand Marcos Sr.
C. Fidel Ramos
D. Gloria Arroyo
Sagot: C. Fidel Ramos
Noong 1935 naitadhana ang batas sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng Pilipinas. Sa panahong ito, naisagawa ang unang hakbang sa pagproseso at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa hango sa katutubong wika.
Sagot: Tama
Kailan nasuri na ang Wikang Tagalog ang napag-alamang tutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.184?
A. Abril 1, 1940
B. Nobyembre 9, 1937
C. Hunyo 18, 1937
C. Disyembre 30, 1937
Sagot: B. Nobyembre 9, 1937
Sa taong 1981 na kung saan naisagawa ang Saligang Batas, nakabilang ang Artikulo XV, Seksyon 3, kung saan ang saligang batas na nagpapapahayag na ang Ingles at Pilipino, ang dapat na mga wikang opisyal.
Sagot: Mali
1. Sa taong ito itinatag ang batas Ng Komonwelt Blg.184 , alinsunod nito lumikha Ng Isang SWP at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin na iyon
A. 1986
B. 1926
C. 1956
D. 1936
Sagot: D. 1936
Sino ang naglagda ng Proklamasyon Blg. 186, at kailan nilagdaan ito?
A. Nilagdaan ito ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954
B. Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Marso 26, 1954
C. Nilagdaan ito ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 28, 1954
D. Nilagdaan ito ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Marso 26, 1959
Sagot: A. Nilagdaan ito ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954
Alin- alin dito ang HINDI kabilang sa mga tungkulin ng Suriang Wikang Pambansa?
(Dalawang sagot lamang)
i. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto
ii. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikang tinatanggap ngunit bihrang ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
iii. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino
iv. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng lahat ng Pilipino
a) i
b) ii
c) ii
d) iv
e) Lahat ng nabanggit
f) Wala sa nabanggit
Sagot: B o D