(Blank)
(Blank)
100

Anong kayarian ng pang-uri ang salitang "abot- kamay"?

Tambalan

100

Anong kayarian ng pang-uri ang salitang " punit-punit"?

Inuulit

200

Anong kailanan ng pang-uri ang sumunod na pangungusap?                              Matangkad na bata si Carlo.

Isahan

200

Anong kailanan ng pang-uri ang sumunod na pangungusap?        Magagalang na mga mag-aaral ang sumalubong sa akin sa Daniel A. Avena Elementary School.

Maramihan

300

Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!Ano ang pang-uri sa pangungusap? Ibigay rin ang kayarian ng pang-uri.

kasintaas- maylapi

300

Nais niyang tumira sa bayan na payapa. Ano ang pang-uri sa pangungusap? Ibigay rin ang kayarian ng pang-uri.

payapa- payak

400

Ano- ano ang kailanan ng pang-uri?

Ang kailanan ng pang-uri ay ang isahan, dalawahan at maramihan.

400

Ano ang apat na kayarian ng pang-uri?

Ang apat na kayarian ng pang-uri ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

500

Ano ang pang-uri?

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip.

500

Ano ang kaibahan ng payak na pang-uri sa maylapi?

Ang payak na pang-uri ay salitang naglalarawan na  binubuo lamang ng salitang-ugat samantala ang maylapi ay salitang naglalarawan na binubuo ng salitang-ugat na nilagyan ng panlapi o nilapian.

M
e
n
u