Sino si Graciano Lopez-Jaena?
Isang Ilustrado at Propagandista. Kilalang "Dakilang Propagandista" at orador na itinatag ang La Solidaridad.
Tungkol saan ang Noli Me Tangere?
Nobelang isinulat ni Rizal na naglantad ng katiwalian ng mga prayle.
Ano ang Katipunan?
Tawag sa lihim na samahan nina Bonifacio na itinatag noong 1892.
Ito ang kaisipang umusbong at lumaganap sa Europa na nakarating din sa Pilipinas noong ika-19 na siglo?
Kaisipang Liberalismo
Ano ang epekto ng Kilusang Propaganda sa nasyonalismo?
Kahit hindi nakamit ang reporma nila, pinukaw nito ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Sino si Marcelo H. del Pilar
Isang Ilustrado at Propagandista. Siya ang tinaguriang “Diyakono ng Propaganda” at nagsilbing patnugot (editor) ng La Solidaridad.
Ano ang El Filibusterismo?
Nobelang sumunod sa Noli Me Tangere na nagbigay-diin sa rebolusyon
Ano ang ibig sabihin ng KKK?
Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Kailang itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina?
Hulyo 3, 1892
Ano ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
Mga nobela ni Jose Rizal na nagbigay daan sa pag-usbong ng damdaming ito.
Sino si Jose Rizal?
Isang Ilustrado at Propagandista. Ang may-akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at nagtatag ng La Liga Filipina.
Ano ang La Solidaridad?
Opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
Ano ang tawag sa ritwal na ginagawa ng mga taong nais mapabilang sa Katipunan?
Sanduguan (blood compact)
Lugar kung saan pinunit ng mga Katipunero ang kanilang cedula bilang hudyat ng pagsisimula ng rebolusyon.
Pugadlawin
Ano ang KKK o mas kilala bilang Katipunan?
Ito ay kilusang itinatag ni Andres Bonificio upang isulong ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
Sino si Juan Luna?
Siya ang pintor na kasama ng mga propagandista at nakilala sa kanyang obra. Isa ang "Spoliarium" sa kaniyang sikat na obra.
Ito ang opisyal na pahayagan naman ng Katipunan.
Ang Kalayaan
Ano ang sagisag panulat (pen name) ang madalas gamitin ni Jose Rizal?
Laong Laan, Dimasalang
Lugar kung saan hinatulan si Jose Rizal ng parusang kamatayan gamit ang firing squad?
Bagumbayan o Luneta Park
Ano ang nasyonalismo?
Ito ay ang pagmamahal sa bayan o pagiging makabansa, ang damdaming ito ang naging susi upang makalaya ang Pilipinas sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
Sino si Andres Bonifacio?
Isa sa mga napukaw ng sulatin ng mga propagandista (gaya ng mga nobela ni Jose Rizal) at nagtatag ng Katipunan
Ano ang Kartilya ng Katipunan?
Ang akda ni Emilio Jacinto na nagpapaliwanag ng mga layunin at prinsipyo ng Katipunan.
Ano ang pinakasikat na sagisag panulat ni Marcelo H. del Pilar?
Plaridel
Ang pagkamatay ng tatlong paring ito ang isa sa dahilan ng pagmulat ng mata ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga Espanyol. Sino ang tatlong paring martyr?
GOMBURZA: Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora
Dahil sa nabigo ang Kilusang Propaganda sa kanilang adhikain, nabuo ang kilusang ito na gumamit ng armas at dahas laban sa mga Espanyol.
Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK