Ito ang kilusang itinatag ng mga ilustrados o mga naliwanagan.
Kilusang Propaganda
Ginamit ng mga peninsulares sa mga karaniwang Pilipino upang ilahad ang pagturing sa mga ito bilang mababang uri ng tao.
Indio
Ilan ang nabanggit na ilustrado sa talakayan?
6 o anim
Anong siglo nagawa ng ilustrados na maitaas ang katayuan sa lipunan ngunit hindi pa rin nagbago ang mababang pagtingin sa kanila ng mga peninsulares?
Ika-19 siglo
Ito ang opisyal na pahayan ng Kilusang Propaganda na naging instrumento para isiwalat ng mga nanguna sa kilusan ang kabulukan, pananamantala, at katiwalian ng mga paring Espanyol sa simbahan at mga opisyal na Espanyol sa pamahalaang kolonyal ng Spain sa Pilipinas.
La Solidaridad
Sila ang may mga pangunahing layunin na magkaroon ng pagbabago sa lipunan.
Repormista
Magbigay ng 3 o tatlo sa 6 o anim na ilustrado na nabanggit sa talakayan.
Jose Rizal , Antonio Luna, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Marcelo H. del Pilar, at Jose Maria Panganiban
Ilan sa mga ilustradong nabanggit ang namatay sa sakit na tuberkulosis?
3 o tatlo
Anong petsa binuo ni Jose Rizal ang La Liga Filipina?
Hulyo 3, 1892
Ibigay ang dalawang sagisag-panulat o pen name na ginamit ni Jose Rizal.
Laong-Laan at Dimasalang
Tawag sa nakipaglaban para sa kanilang karapatan at kalayaan gamit ang marahas na paraan.
Rebolusyonaryo
Sino-sino ang ilustrado na namatay sa sakit na tuberkulosis?
1. Jose Maria Panganiban
2. Graciano Lopez Jaena
3. Mariano Ponce
Ilan ang naging sagisag-panulat o pen nameni Marcelo H. del Pilar?
4 o apat (Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, at Pupdoh)
Anong taon isinulat ni Graciano Lopez Jaena ang akda niya na Fray Botod na tumatalakay sa isang imoral at abusadong pari na ginawa niyang karikatura o kartun ng mga paring Espanyol.
1876
Ang kauna-unahang makabayang pahayagan na nakasulat sa wikang Tagalog.
Diariong Tagalog
Mga Espanyol na nasa Pilipinas ngunit ipinanganak sa Spain.
Peninsulares
Ibigay ang buong pangalan ni Jose Rizal.
Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda
Ilan ang lengwahe ang na gamit ni Mariano Ponce para sumulat ng mga akda na may temang nagbibigay-halaga sa edukasyon at nagsisiwalat ng kahirapang naranasan ng mga Pilipino dulot ng pang-aapi ng Espanyol?
3 o tatlo (Tagalog, Espanyol, at Ingles)
Ano ang buwan, araw, at taon ng pagkamatay ni Mariano Ponce?
Mayo 23, 1918
Sino ang nagpadakip kay Jose Rizal dahil pinaghinalaan siya ng Espanyol na kalahok sa himagsikan?
Gobernador-Heneral Ramon Bianco
Mga Espanyol ipinanganak sa Pilipinas.
Insulares
Nakilala siya bilang matapang ngunit tanyag din bilang mainitin ang ulo.
Antonio Luna
Ilan ang ginamit ni Jose Marie Panganiban na sagisag-panulat o pen name at ano ito?
1 o isa (Jomapa)
Anong panahon naging heneral si Antonio Luna ni Emilio Aguinaldo?
Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerika
Magbigay ng isa o higit pa na adhikain ng Kilusang Propaganda.
1. Reporma o pagbabago sa lipunan
2. Pamamaraang mapayapa o bigyan ng kalayaan sa pananalita at pamamahayag ang mga Pilipino.
3. Ituring ang Pilipinas bilang lalawigan ng Spain at hindi isang kolonya.
4. Magiging kapantay ng Pilipinas ang Spain sa karapatan at usaping pampolitika at panlipunan o magkaroon ng representasyon sa Cortes ang mga Pilipino sa Kongreso ng Spain.
5. Pangasiwaan ng mga paring sekular ang mga parokya.
6. Kilalanin at pairalin ang karapatang pantao ng mga Pilipino.