DA'T ALAM MO!
SAMPOL!
KUWENTO MO 'YAN
IBA KA!
WHO U?
100

Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang kuwento at ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa.

Tema o Paksa

100

Ano ang maaring sinisimbolo ng bulaklak?

Dalaga atbp.


100

Ito ay koleksyon ng mga mito.

Mitolohiya

100

ito ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura ng wika ayon sa mga tuntuning gramatikal.

Kasanayang Gramatikal/Linggwistik

100

Sino ang sumulat ng akdang Ako ang Daigdig?

Alejandro Abadilla

200

Ito ang pangunahing aklat ng pananampalatayang Islam at itinuturing ng mga Muslim na totoong salin ng mga salita ni Allah kay Muhammad

Koran (o Qurán, Alcorán)

200

Ibigay ang tatlong anyo ng tula.

Tradisyunal - May sukat at tugma

Berso Blanko - May sukat, walang tugma

Malayang Taludturan - Walang sukat at tugma

200

Ito ay kuwento ng isang kawili-wili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Anekdota

200

ito ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal.

Kasanayang Sosyo-linggwistik

200

Kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan at sumulat ng Ang Tatlong Araw ng Biyernes 

Mullah Nassreddin (Nasruddin)

300

Ito ay tungkol sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng panitikan. Maaring nais niyang magpatawa, mangaral, manghikayat , magbigay-impormasyon at kung ano-ano pa

 

Motibo ng Awtor

300

Magbigay ng tatlong halimbawa ng Matalinghanggan Pananalita.

Butas ang Bulsa atbp.


300

Anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod.

Tula

300

ito ay tumutukoy sa kakayahang magbigay ng wastong interpretasyon sa napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

Kasanayang Diskorsal

300

Nagsalin sa Filipino ng "Hele ng kaniyang Ina sa kaniyang Panganay"

Mary Grace A. Tabora

400

Magbigay ng mga Katangian ng Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. 

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika 

Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. 

Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. 

Sapat na kaalaman sa kultura

400

Ibigay ang mga elemento ng tula.

Sukat, Tugma, Kariktan at Talinghaga

400

Ito ang paglilipat sa pinagsalinang wikang pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?

Pagsasaling wika

400

ito ay tumutukoy sa kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na uri ng komunikasyon sa paghahatid ng mensahe.

Kasanayang Strategic

400

Siya ang sumulat ng tulang "Gabi"

Ildefonso Santos

500

Ano ang pinagkaiba ng Simbolismo at Matalinghagang Pananalita

Simbolismo - Gumagamit na Sagisag tulad na tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

Matalinghagang Pananalita - May malalim at hindi lantad na kahulugan
500

Magbigay ng dalawang akda na sinalin ni Roderic P. Urgelles.

Liongo at Maaring Lumipad ang Tao

500

isang babasahing isinalarawan at maaaring nagsasaad ng kuwento, buhay ng tao o pangyayari.

Komiks

500

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang mag-aaral ng wika na makipag-ugnayan sa ibang mag-aaral upang makabuo ng isang makabuluhang pag-uusap na hindi binibigyang-pansin ang kaalaman nito sa linggwistika( Savignon, 2011).

Kasanayang Komunikatibo

500

Siya ang nagsalin ng tulang “A Song of a Mother To Her Firstborn”  sa wikang Ingles

Jack H. Driberg

M
e
n
u