Sino ang kauna-unahang Pilipinang nanalo ng Olympic gold medal?
Hidilyn Diaz
Sino ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere?
Maria Clara
Sino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan" dahil sa kanyang pinatingkad na papel bilang tagatangkilik at taga-pagpakain ng mga katipunero?
Melchora Aquino
Kung ang tawag sa ama ng pamilya ay “Haligi ng Tahanan,” ano ang tawag sa ina?
Ilaw ng Tahanan
Sino ang unang girl group na nag-perform sa Coachella 2026?
BINI
Sino ang naging unang babaeng pangulo ng Pilipinas?
Corazon “Cory” Aquino
Sino ang asawa ni Kapitan Tiago at ina ni Maria Clara?
Doña Pia Alba
Sino ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan at naging asawa ni Andres Bonifacio?
Gregoria de Jesús/Aling Oriang
Kapag may pinahanap si nanay na bagay at hindi mo mahanap, anong hilig niyang sabihin?
Gamitin mo mata mo, huwag bibig!
Sino ang kilalang artistang nagsabi ng mga linyang “My brother is not a pig” at “Walang himala!”?
Nora Aunor
Sino ang Pilipinang chemist at food technologist na kilala sa kaniyang mga ambag sa food preservation, nutrisyon, at pagbuo ng mga produktong pagkain gaya ng banana ketchup?
María Orosa e Ylagan
Sino ang naging kasintahan ni Isagani at kalaunan nagpakasal kay Juanito Pelaez?
Paulita Gomez
Siya ay kinikilalang “Ina ng Biak-na-Bato”. Isa siya sa iilang kababaihan na humawak ng armas kasama ng mga rebolusyonaryong kalalakihan sa pakikipaglaban sa mga Espanyol.
Trinidad Tecson
Ano ang isa sa mga pangunahing tungkulin ng isang babae sa tahanan, ayon sa itinuro ng Simbahan noong panahon ng mga Kastila?
Paggawa ng mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak.
ino ang Pilipinang mang-aawit at aktres na sumikat sa buong mundo dahil sa musical na Miss Saigon at nanalo ng Tony Award?
Lea Salonga
Sino ang Pilipinang mamamahayag na ginawaran ng Nobel Peace Prize noong 2021?
Maria Ressa
Siya ang nagtulak at namilit kay Juli na humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil ito lamang ang tanging kaluluwang makakatulong sa dalaga.
Hermana Bali
Sino ang ang unang Pilipina na namuno sa isang himagsikan noong nang-aabuso ang mga Kastila sa Pilipinas? Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang, ipinagpatuloy niya ang ipinaglalaban ng kaniyang asawa.
Grabiela Silang
Ano ang titulo ng kantang may lirikong “Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay.”?
Ugoy ng Duyan
Iyak muna saglit tapos type ulit with attitude (and bangs)
Maris Racal
Sino ang Pilipinang tinaguria “Mother of Philippine Pediatrics” at nagtatag ng unang pediatric hospital sa Pilipinas?
Dr. Fe del Mundo
Sino ang mananayaw na kilala bilang malapit kay Don Custodio?
Pepay
Ang unang babaeng mandirigma at guro sa Panay at tanyag bilang "Visayan Joan of Arc".
Teresa Magbanua
Sa awiting “Kubo” ni Gary Granada, sa anong bagay niya inihalintulad ang kaniyang kasintahan?
Rosas
Keratin???
Maja Salvador