SINO AKO?
AMOY-LUPA
PEARLY SHELLS
IPAGMALAKI MO AKO!
I-GOOGLE MAP MOKO!
100
Ako ang kauna unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na kastila. Sino ako?
Lapu- Lapu
100
Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at magkakasunod.
Bulubundukin
100
Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat; nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Ilog
100
Ito ay simple at munting tirahan na yari sa mga materyal na gaya ng kawayan, buho at nipa o kogon.
Bahay Kubo
100
Pinangalanan bilang isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo.
El Nido Palawan
200
Ako ang naging tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano kaya ako ay tinawag na Utak ng Himagsikan. Sino ako?
Apolinario Mabini
200
Ito ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na lava tuwing puputok. Ito ay maaring maging di aktibo o aktibo.
Bulkan
200
Isang malaking look na mistulang kamay na bahagi ng dagat o karagatan.
Gulpo
200
Matigas, matibay at matatag na punong kahoy. Ito ay ang mga katangiang maihahalintulad sa mga Pilipino.
Narra
200
Isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong gitnang Visayas. Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo. Ang Chocolate Hills ay ang pinaka dinarayong tanawin sa lalawigan.
Bohol
300
Ako ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ang samahan ng mga katipunero at ang mga katipunero ay siyang lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata at himagsikan. Sino ako?
Andres Bonifacio
300
Minsan ito ay tinatawag din na mesa. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok na kilala rin bilang pantayin.
Talampas
300
Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Lawa
300
Kapag tag-ulan, ginagamit ito ng mga magsasaka na panakip sa kanilang mga likod. Ito ay karaniwang tumutubo sa mga kagubatan sa maraming bahagi ng kapuluan. Ginagawa itong pamaypay, banig at pambubong ng bahay.
Anahaw
300
Isang lalawigan sa Hilagang Luzon na kabilang sa rehiyong 2. Ang lalawigang ito ay ang pinakahilaga sa buong Luzon. Ito ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura, at kalikasang tanging kanila lamang.
Batanes
400
Tinulungan ko ang mga katipunero. Binigyan ko sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan ko pa ang mga may sakit at sugatang katipunero. Sino ako?
Melchora Aquino
400
Ito ay nayong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawa.
Bundok
400
Ito ang pinakmaliit na anyong tubig. ANg tubig at sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalaang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. May mineral ang tubig kaya nakakagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
Bukal
400
Masipag, Matyaga, Malakas at maamong hayop na inaalagaan na inaalagaan ng mga magsasakang Pilipino. Ang mga katangiang ito ay maihahalintulad sa mga katangian ng mga Pilipino.
Kalabaw
400
Isa sa pinakamahalagang lunsod sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakan at pananalapi sa Mindanao at pinakamataong sentrong Urbano sa Mindanao.
Davao
500
Ako ang nagtatag ng La Liga Filipina. May akda ng kontrobersyal na mga nobelang pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sino ako?
Jose Rizal
500
Ito ay anyong lupa na may likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
Yungib
500
Makitid na daang tubig na naguugnay sa dalawang anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
Kipot
500
Karaniwang gawa ito sa manipis at magaang tela tulad ng pinya at jusy. Sinasabing ang pagsusuot nito ay nagsimula pa bago ang panahon ng mga Kastila.
Barong Tagalog
500
Isang first class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong lungsod ng CAR. Ito ay ginawang summer capital ng Pilipinas.
Baguio
M
e
n
u