Nang maliit ay mestiso, nang lumaki’y negro
Abo ng Sigarilyo
Dalawang magkapatid, Sa pagdarasal ay namimintig
Tuhod
Bahay ni Nano, walang bintana, walang pinto
Itlog
Hindi hari, hindi pari, Ang suot ay sari-sari
Sampayan
Eto na si Ingkong, naka-upo sa lusong
Kasoy
Baston ni Kapitan, Hindi ko mahawakan
Ahas
Kung araw ay patung-patong, kung gabi’y dugtung-dugtong
Unan
Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Walis
Ang utusan kong si Pedrito, palaging mainit ang ulo
Plantsa
Isang balong malalim, puno ng patalim
Bibig
Heto na, heto na malayo pa’y humahalakhak na
Alon
Binatak ko ang isa, tatlo pa ang sumama
Panyo
Dalawang balon, lalim ay paahon
Ilong
Isang pasukan, Tatlo ang labasan
Damit
Nagbibigay na, sinasakal pa
Bote
Palda ni Maria, ang kulay ay iba-iba
Bahaghari
Munting tampipi, puno ng salapi
Sili
Sa araw ay bubong, sa gabi ay dahon
Banig
Heto na, heto na, Hindi mo pa makita
Hangin
Bisitang hindi inaasahan, nauuna sa hapag kainan
Langaw
Nagsaing si Hudas, Kinuha ang hugas, Itinapon ang bigas
Gata
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi’y gabi na
Araw
Bahay ng salita, imbakan ng diwa
Aklat
Nakatitindig ng walang paa, may tiya’y walang bituka
Baso
Bibingka ng hari, hindi mo mahati
Tubig