Matanda na ang nuno hindi pa naliligo
Pusa
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Ngunit kung ako’y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
Kandila
Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sili
Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi ay gabi na.
Araw
Isang bakud-bakuran sari-sari ang nagdaan.
Ngipin
Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
Manok
Binili ko nang di nagustuhan, ginamit ko nang di ko nalalaman.
Kabaong
Munggo ito na ipinunla sa taniman
Naging puno itong walang dahong malalabay.
Toge
Ako’y iyak ng iyak,
patuloy ang agos ng luha,
kahit daanan ng tubig ay biyak,
nilabas ko lang ang galit hanggang ito’y maging bula.
Ilog
Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa.
Dahon
Maliit pa si Nene nakakaakyat na sa tore.
Langgam
Dalawang pinipit na suman, nagmula sa puklo at hindi sa baywang; magingat ka katawan at baka ka mahubaran.
Pantalon
Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
Dahon ng Saging
Lumalakad nang walang paa, maingay paglapit niya.
Alon
Aling bahagi ng katawan ang di naaabot ng kanang kamay?
Kanang siko
Anong hayop ang dalawa ang buntot?
Elepante
Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y siyang naghahatid, pag-inutusa’y di na babalik.
Sobre
Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Niyog
Manghahabing batikan,
Tubig ang hanay,
Ang yaring sinamay,
Iba’t ibang kulay.
Bahaghari
Isang balong malalim puno ng patalim.
Bibig
Pantas ka man at marunong, at nag-aral nang malaon, aling kahoy sa gubat ang nagsasanga’y walang ugat?
Sungay ng Usa
Sapagkat lahat na ay nakahihipo; walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago.
Pera o Salapi
Isang tabo, laman ay pako.
Suha
Dalawang suklob na pinggan,
Punong-puno ng kayamanan.
Langit at Lupa
Tatal na munti panggamot sa kati.
Kuko