Ano ang kontraktuwalisasyon?
Ito ay isang iskema kung saan ang mga manggagawa ay pansamantala lamang.
Ano ang Job Mismatch?
Ito ay tumutukoy sa isang kalagayan ng manggagawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayahan o pinag-aralan nito
Ano ang flexible labor?
Ito ay tumutukoy sa mga manggagawa na handang magtrabaho sa flexible na oras
Bakit itinuturing na isyu ang mababang pasahod sa mga manggagawa?
Dahil hindi natutugunan ng mga manggagawa ang kanilang pangangailang kung mababa ang kanilang pasahod
Ano ang Endo o End of Contract?
Ang End of Contract ay ang pagtatapos ng trabaho ng isang manggagawa bago ito umabot ng ika-anim na buwan
Paano nagkakaroon ng unemployment sa suliranin sa job mismatch?
Nagkakaroon ng unemployment sa suliranin sa job mismatch dahil ang mga indibidwal na naghahanap ng trabaho ay may hindi tugma na kasanayan o skills na hinahanap ng isang kumpanya
Bakit itinuturing na isyu ang mura at flexible labor?
1. Mababang pasahod; at
2. Paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
Ano ang "brain drain"?
Ito ay tumutukoy sa pagkaubos ng mga manggagawa ng Pilipinas dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang bansa upang kumita ng mas malaki
Paano inaabuso ng mga pribadong kumpanya o negosyo ang kontraktuwalisasyon?
Tinatapos ng mga employer ang trabaho ng mga manggagawa bago ang ika-anim na buwan upang hindi maging regular na manggagawa ang isang kontraktuwal na manggagawa.
Ano ang underemployment?
Ang underemployment ay tumutukoy sa kalagayan ng isang manggagawa na may trabaho ngunit hindi ito angkop sa kakayanan o kasanayan na mayroon siya
Ano ang epekto ng mura at flexible labor sa mga manggagawa?
1. Mababang pasahod
2. Ang mga manggagawa ay nagtratrabaho sa anumang oras na kailangan ng kumpanya
3. Walang benepisyo tulad ng insurance, 13th month pay, paid leave, beneoisyo sa kalusugan, at iba pa.
Ano ang epekto ng mababang pasahod sa mga manggagawa?
1. Kahirapan
2. Pangingibang bansa
3. "Brain drain"
Ano ang epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa?
1. Napipilitang tumanggap ang mga manggagawang kontraktuwal ng napakababang sahod
2. Ang mga kontraktuwal na manggagaw ay hindi nakatatanggap ng benepisyo
3. Walang kasiguraduhan sa trabaho (job security) ang mga kontraktuwal na manggagawa
Ano ang epekto ng job mismatch sa lakas paggawa?
1. Pagtaas ng bilang ng unemployed
2. Pagtaas ng bilang ng underemployed
3. Hindi masaya ang mga manggagawa (mababang produksiyon, mataas na turnover rate)