Asawa siya ng mayaman pero mabagsik na lalaking si Nabal. Pero matalino at mapagpakumbaba. Maganda siya at malapít sa Diyos.—1 Samuel 25:3.
Abigail
Siya ang magandang dalaga na pangunahing karakter sa aklat ng Bibliya na Awit ni Solomon. Hindi sinabi ng Bibliya ang pangalan niya.
Babaeng Shulamita
Asawa siya ni Abraham at ina ni Isaac.
Sara
Apostol ni Jesus, isa siyang doctor.
Lucas
Inialay siya ng kaniyang mga magulang, sina Elkana at Hana, sa pantanging uri ng paglilingkod kay Jehova—bilang isang panghabang-buhay na Nazareo
Samuel
Isa siyang propetisa na ginamit ng Diyos na Jehova para ipaalam sa bayan niyang Israel ang mga desisyon niya. Ginamit din siya ng Diyos para tulungan ang mga Israelita na lutasin ang kanilang problema.—Hukom 4:4, 5.
Debora
Siya ang babaeng minahal ni Samson, isang hukom ng Israel.—Hukom 16:4, 5.
Delaila
Siya ang panganay na anak ng unang hari ng Israel, si Saul.
Jonathan
Siya ay matuwid at tapat: natatakot siya sa Diyos, at itinatakwil niya ang kasamaan. Job 1:1
Job
Isa siyang Judio na pinili ng hari ng Persia na si Ahasuero para maging reyna niya.
Esther
Asawa siya ng isang di-Israelita na si Heber. Buong-tapang na sinuportahan niya ang bayan ng Diyos. “pinagpala sa lahat ng babae.”—Hukom 5:24.
Jael
Asawa siya ng hari ng Israel na si Ahab. Hindi siya Israelita at lingkod ni Jehova. Mananamba siya ni Baal na diyos ng Canaan. Masamang Reyna
Jezebel
Isa siyang kabataang Judio. Birhen siya nang isilang niya ang anak ng Diyos na si Jesus, na makahimala niyang ipinagbuntis
Maria
Isa siyang babaeng bayaran na nakatira sa Canaanitang lunsod ng Jerico. Naging mananamba siya ng Diyos na Jehova.
Rahab
Isa siyang Moabita. Iniwan niya ang kaniyang diyos at sariling bayan para maging mananamba ni Jehova sa Israel. Mahal na mahal niya ang kaniyang biyenang babae na si Noemi.
Ruth