Ang pagpupunla ay paraan ng pag-aalaga ng itinanim sa kamang punlaan at ihinihanda sa paglilipatan kapag nasa tamang gulang na.
Anong uri ito ng pangungusap?
Pasalaysay o Paturol
Iligpit mo ang iyong mga kagamitan pagkatapos ng iyong proyekto.
Anong uri ito ng pangungusap?
Pautos
Aray! Nakakapaso naman ang tubig sa may bukal, maari itong pagkuhanan ng enerhiya at gawing kuryente.
Anong uri ito ng pangungusap?
Padamdam
Sa nakaraang pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagkapanalo ng labanan sa Mactan, sinong bayani ang tumalo kay Ferdinand Magelan?
Anong uri ito ng pangungusap?
Patanong
Mahalaga ang pagdidilig sa mga halaman, tuwing kailan ito dapat ginagawa___
Ano ang wastong bantas para sa pangungusap?
? o tandang pananong
Napakahusay _ Nakuha mo ang unang pwesto para sa nagawa mong proyekto, ang galing-galing mo naman.
Anong ang wastong bantas para s pangungusap?
! o tandang padamdam
Patayin mo ang mga ilaw at bentolador upang makatipid sa konsumo ng kuryente _
Ano ang wastong bantas para pangungusap?
. o tuldok
Carlos P. Garcia ay ipinanganak noong Nobyembre 4, 1896 sa Taliban, Bohol __ Siya rin ay kilala sa pagpapatupad ng Filipino First Policy __
Ano ang wastong bantas para sa pangungusap?
. o tuldok
Naku. Kinain ng mga insekto ang mga pananim na gulay
Tignan mabuti ang pangungusap, wasto ba ang pagkakasulat nito? Oo o hindi.
Hindi.
Naku! Kinain ng mga insekto ang mga pananim na gulay.
Sa paggawa ng isang proyekto kailangang masiguro na ito ay may mataas na kalidad.
Tignan mabuti ang pangungusap, wasto ba ang pagkakasulat nito? Oo o hindi.
Oo
Ang industriya ng enerhiya ay ang kabuuan ng lahat ng mga industriya na kasangkot sa produksyon at pagbebenta ng enerhiya, kabilang ang pagkuha ng gasolina, pagmamanupaktura, pagpino at pamamahagi.
Tignan mabuti ang pangungusap, wasto ba ang pagkakasulat nito? Oo o hindi.
Oo
Nagtipon-tipon ang mga katipunero sa Pugad Lawin at doon ay pinunit nila ang kanilang mga sedula. Isinigaw ng pinuno ang, "Punitin ang mga sedula _"
Anong uri ng pangungusap ang tinuring ng pinuno ng mga katipunero at anong ang wastong bantas para dito?
Padamdam/! o tandang padamdam