Ang anak ay nakaupo na, ang ina'y gumagapang pa.
A. Kalabasa
B. Upo
C. Kamote
D. Ampalaya
A. Kalabasa
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kainin.
A. Papaya
B. Mansanas
C. Saging
D. Pinya
C. Saging
Ang ulo'y nalalaga, ang katawa'y pagala-gala.
A. Kutsara
B. Sandok
C. Baso
D. Kutsilyo
B. Sandok
Pritong saging sa kalan, lumutong pagkata dinamitan.
A. Turon
B. Maruya
C. Banana Con Yelo
D. Banana Keyk
A. Turon
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
A. Ubas
B. Atis
C. Santol
D. Aratiles
B. Atis
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
A. Sili
B. Repolyo
C. Sitaw
D. Ampalaya
D. Ampalaya
Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
A. Ubas
B. Santol
C. Duhat
D. Lanzones
C. Duhat
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
A. Gasul
B. Posporo
C. Basket
D. Sandok
B. Posporo
Bayabas ko sa tabing bahay, ang bunga’y walang tangkay.
A. Kamatis
B. Sibuyas
C. Itlog
D. Patatas
C. Itlog
Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis.
A. Sili
B. Sardinas
C. Langka
D. Papaya
A. Sili
Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
A. Ube
B. Lilang Repolyo
C. Talong
D. Sibuyas
C. Talong
Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
A. Durian
B. Pinya
C. Presa
D. Langka
D. Langka
Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako.
A. Kaldero
B. Plato
C. Baso
D. Kutsilyo
B. Plato
Sa mantika ay nagpuputakan
Balat ay naglulutungan.
A. Popcorn
B. Tsitsaron
C. Kropek
D. Litson
Tsitsaron
May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
A. Kasoy
B. Pinya
C. Mansanas
D. Mani
Kasoy
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sitaw
Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Balimbing
Dalawang patpat, sabay lumapat.
Gunting
Maputing parang kanin siya,
Dahon ng saging idinamit sa kanya.
Suman
Nakakaluto'y walang init, umuusok kahit na malamig.
Yelo
Katawan nito'y hinihiwa-hiwa kaya ikaw ay lumuluha.
Sibuyas
Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Niyog
Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
Tapayan
May binti, walang hita,
May balbas, walang baba,
May matamis, nginunguya.
Tubo
Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona
Bayabas