Sa kalendaryo, ano ang nauuna, Araw ng Kagitingan o Araw ng Kalayaan?
Araw ng Kagitingan
Sa Lupang Hinirang, Ano ang nawawalang salita sa linyang ito: Duyan ka ng _________.
magiting
Anong katutubong wika ito, "Palanga tagid ka!"
Pangasinense
Si Juan ay ipinanganak sa Pilipinas. Nanay ay Hapones. Ang tatay ay Amerikano. Nagbakasyon sa Leyte at namatay. Ano ang tawag kay Juan?
bangkay
Ano ang tagalog ng "unhatched duck embryo"?
balot
Saang probinsya ginaganap ang Obando Festival?
Bulacan
Ito ay salaysay ng Ibong mahiwaga na tanging lunas sa maysakit na Hari ng Berbanya.
Ibong Adarna
Nabighani si Lito sa kaiyagan ng babaeng nakilala. Ano ang kahulugan ng kaiyagan?
kaseksihan
Si Martha ay nag-iisang anak ng lola ni Melissa na si Mary. Kaano-ano ni Martha si Melissa?
anak
Ano sa tagalog ang "Soy Bean Curd with Tapioca & Syrup"?
taho
Ilang bente-singko sentimos ang kailangan para makabuo ng 15 piso?
60
Bugtong: Sinakal ko muna bago ko nilagari.
violin
Ano ang ibig sabihin ng pahatid-kawad?
liham
Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo?
Letrang A
Ano sa tagalog ang 'orange'?
kahel
Anong hayop ang makikita sa likod ng P100 piso?
Butanding
Sinong Pangulo ng Pilipinas ang nagproklama ng 1 buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Fidel V. Ramos
Ano ang isinisimubulo ng bangka sa poster ng Buwan ng Wika ngayong taon?
bayanihan
Kung ang manok sa stick ay chicken barbecue, ang saging sa stick ay bananacue, ano naman ang kabayo na nasa stick?
carousel
Ano ang 'charger' sa Filipino?
pantablay
Magbigay ng 5 parte ng katawan na nagsisimula sa 'B'.
Binti, baywang, balikat, batok, bilbil, balakang, bukong-bukong, braso, bunbunan, bibig, baba
Magbigay ng 5 katutubong wika sa Pilipinas
Kinaray-a, Ivatan, Tausug, Maranao, Chavacano, Ibanag, Ilokano, Hiligaynon, Waray-waray, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, Bisaya, Tinuray, Tagalog,
Magbigay ng 5 salawikain
Kung anu ang puno, siya bunga
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
kung anu ang itinanim ay sya ring aanihin
ang umaayaw ay di nagwawagi
huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo
Magbigay ng 5 bansa na may salin sa Wikang Filipino
Tsina, Alemanya, Italya, Armenya, Kuba, Belhika (Belgium), Brasil, Tsipre (Cyprus), Ekwador, Amerika, Hapon, Roma, Pransiya
Magbigay ng 5 pangulo ng Pilipinas na kabilang sa mga nagsulong ng Wikang Pilipino/Filipino.
Manuel L. Quezon, Ramon Magsaysay, Sergio Osmena, Corazon Aquino, at Fidel V. Ramos