Piliin ang wastong pang-ukol.
(Para sa, Ayon sa) bata ang gatas.
Para sa bata ang gatas.
Ito ay binubuo ng salita o mga salitang may buong kaisipan o diwa. Ano ito?
Pangungusap
Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay kaalaman o impormasyon sa paksa.
Panaguri
Anong uri ng pangungusap ang "walang ay"
A. Karaniwang Pangungusap
B. Di Karaniwang Pangungusap
A. Karaniwang Pangungusap
Anong uri ng pangungusap ang naglalarawan, nagpapaliwanag o nagkukuwento?
Pasalaysay
Piliin ang wastong pang-ukol.
Humahanga sa kanya (ang, ang mga) magulang at kaibigan niya.
Humahanga sa kanya ang mga magulang at kaibigan niya.
Pangungusap o Di Pangungusap?
Ang bata ay masaya.
Pangungusap
Ito ay tumutukoy sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.
Simuno
Anong uri ng pangungusap ang "may ay"?
A. Karaniwang Pangungusap
B. Di Karaniwang Pangungusap
B. Di Karaniwang Pangungusap
Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na pasalaysay?
A. Ang mga bata ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.
B. Saan nagbabasa ang mga bata?
C. Wow! Nagbabasa ng tahimik ang mgabata.
D. Magbasa kayo ng tahimik.
A. Ang mga bata ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.
Piliin ang wastong pang-ukol.
Pangako (ni, nina, kay, kina) Kim at Allan na mag-aaral sila nang mabuti.
Pangako nina Kim at Allan na mag-aaral sila nang mabuti.
Bonus:
Gayahin ang nasa larawan
Pangungusap: Ang mga bata ay nagtatanim ng halaman.
Alin sa mga salita sa pangungusap ang buong simuno?
Buong Simuno: Ang mga bata
Bonus:
Gayahin ang nasa larawan
Ito ay mga salitang nagsasabi kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang isang kilos. Anong uri ng pang-abay ang tinutukoy?
A. pamanahon C. pamaraan
B. panlunan D. pang-abay
A. pamanahon
Piliin ang wastong pang-ukol.
Pumasok ka (ng, sa, mula sa, nang) iyong silid at mag-usap tayo.
Pumasok ka sa iyong silid at mag-usap tay
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita
nagkasakit
ang mga bata
naulanan
Pangungusap: Madalas uminom ng softdrinks si Scott.
Alin sa mga salita sa pangungusap ang buong panaguri?
Buong Panaguri: Madalas uminom ng softdrinks
Karaniwan o Di Karaniwang Pangungusap?
Si Ana ay may maamong mukha.
Di Karaniwang Pangungusap
Itapon mo ang basura.
Gawin itong pangungusap na nakikiusap.
Magbigay ng limang pang-ukol.
Ano ang tatlong katangian ng isang pangungusap?
1. Nagsisimula sa malaking titik
2. Nagtatapos sa wastong bantas
3. May buong diwa o kaisipan
Sabihin ang simuno at panaguri sa pangungusap.
Siya ay gumising ng maaga para magluto ng almusal.
Buong Simuno: Siya
Buong Panaguri: ay gumising ng maaga para magluto ng almusal
Gawing Karaniwang Pangungusap ang nasa ibaba.
Ang Singapore ay isang disiplinadong bansa.
Isang disiplinadong bansa ang Singapore.
Anong uri ng pang-abay ang sumasagot sa tanong na PAANO?
a. Panlunan
b. Pamanahon
C. Pamaraan
C. Pamaraan