Siya ay isang Portugal na manlalayag na namuno sa unang ekspedisyon na nakaikot sa buong mundo.
Ferdinand Magellan
Sino ang nagbigay ng pangalan na "Las Islas Filipinas" bilang pagkilala kalauna'y naging hari ng Espanya na si Haring Philip II?
Ruy Lopez de Villalobos
Ilarawan si Lapulapu.
Siya ay isang matapang na mandirigma.
Aling lungsod ang ginawang kabisera ng pamahalaang Espanyol?
Lungsod ng Maynila
Siya ang namumuno sa pueblo o bayan.
gobernadorcillo
Tama o Mali. Naikot ni Ferdinand Magellan ang buong mundo.
Mali
Sino ang pinuno ng barkong Victoria na unang nakalayag sa buong mundo?
Juan Sebastian Elcano
Ano ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas?
Cebu City
Ano ang dalawang pamamaraan sa pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
1. espada
2. krus
Ano ang uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Kastila sa bansa?
Bakit naglayag si Ferdinand Magellan?
upang mahanap ang mas maikling ruta papuntang Moluccas o Spice Islands
Siya ang nagsulat ng detalyadong ulat tungkol sa ekspedisyon ni Magellan.
Antonio Pigafetta
Ano ang tatlong "G" o tatlong layunin sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
God, Gold, Glory
Kailan nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
1565
Siya ang nagsisilbing kinatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas.
gobernador-heneral
Ano ang kasunduang naghahati sa mundo sa dalawang bahagi: 1) ang kanlurang bahagi ay para sa mga Espanyol; 2) ang silangang bahagi ay para sa mga Portugal.
Kasunduan sa Tordesillas
Ibigay ang dalawang motibasyon sa paglalayag ng mga bansa sa Europa.
1) ang pagkakaroon ng kaalaman, pamamaraan, at kagamitan sa paglalakbay; at
2) ang pagnanais na galugarin ang buong mundo at palawakin ang kanilang imperyo.
Para makakuha ng maraming ginto at pilak, kailangang pataasin ng mga Kastila ang kanilang eksports. Paano nila gagawin ito nang hindi nauubos ang sarili nilang ginto at pilak?
Aangkinin ang mga rekurso o likas na yaman ng kanilang mga kolonya.
Paano ginamit ang Kristiyanismo sa pananakop sa bansa?
Pinalitan ang relihiyon ng mga katutubo, binago ang paniniwala at kultura.
Ano ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan?
barangay
Ipaliwanag ang merkantilismo.
Ito ang sistemang pang-ekonomiya sa Europa na ang pagkakaroon ng maraming ginto at pilak ay simbolo ng pagiging makapangyarihang bansa.
Oo o hindi. Katanggap-tanggap pa rin ba ang Kasunduan sa Tordesillas hanggang sa kasalukuyang panahon?
Hindi, dahil may mga bago tayong patakaran na nagtatakda sa pagkakahati-hati ng karagatan at teritoryo.
Bakit nais palawakin ng mga Espanyol ang kanilang imperyo?
upang makakuha ng mga likas na yaman mula sa bansang sasakupin.
Paano ginamit ang espada sa pananakop?
gumamit ng puwersa at lakas-militar
Mayroon bang sariling pamahalaan ang Pilipinas bago sakupin ng mga Espanyol?
Mayroon. Pamahalaang barangay at sultanato.