KAHULUGAN NG PAGSULAT
AKADEMIKONG PAGSULAT
LAYUNIN AT PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT
KONSEPTO NG WIKA
100

Ito ang proseso ng paghahatid ng ideya, impormasyon, saloobin, at karanasan gamit ang mga nakasulat na simbolo.

PAGSULAT

100

Uri ng sulatin na pormal, may estruktura, obhetibo, at ginagamit sa larangan ng edukasyon at pananaliksik.

AKADEMIKONG SULATIN

100

Ayon kay Mabilin, mayroon dalawang layunin ang pagsulat. Ibigay ang dalawang layunin na kanyang ibinigay.

1. PERSONAL/EKSPESIB
2. PANLIPUNAN/TRANSAKSYUNAL

100

Ang Pilipinas ay mayroong humigit-kumulang na 150 na mga wika batay sa datos ng Philippine Statictics Autority (2005). Nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay isang ________________ na bansa.

MULTILINGGUWAL

200

Sila ang nagsabing ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na may wastong gamit ng wika, talasalitaan, retorika, at pagbubuo ng kaisipan.

XING AT JIN

200

Ito ang paglabag sa etika ng pagsulat na kung saan tumutukoy sa pagnanakaw sa pag-aaring intelektwal ng mga dalubhasa sa isinagawang sulatin.

PLAGIARISM

200

Isa sa mga gamit sa pagsulat na magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

PAKSA

200

Ilahad ang limang makrong kasanayang pangwika.

PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBABASA, PANONOOD AT PAGSASALITA

300

Ayon sa kanila, ang pagsulat ay isang ekstensyon ng wika at karanasan mula sa pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.

PECK AT BUCKINGHAM

300

Katangian ng akademikong sulatin na nag-uutos na ang lahat ng pahayag ay nakabatay sa datos, ebidensya, at lohikal na pagsusuri, hindi sa personal na saloobin.

OBHETIBO

300

Uri ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon

MALIKHAING PAGSULAT o CREATIVE WRITING

300

Isa sa katangian ng wika ay komprehensibo dahil nangangailangan ito ng ______________________.

KRITIKAL NA PAG-IISIP

400

Ayon sa kanya, ang pagsulat ay isang exploration—pabalik-balik na pagbuo at pagtuklas sa kung ano at paano isusulat.

DONALD MURRAY

400

Habang gumagawa ng ulat sa klase, siniguro ni Ria na lahat ng datos ay mula sa peer-reviewed journals at inilagay niya ang APA citation sa hulihan. Sinuri rin niya kung tama ang interpretasyon ng bawat datos bago ito isama. Anong katangian ng akademikong sulatin ang ipinakita ni Ria?

MAY PANANAGUTAN

400
Isang uri ng pagsulat na naglalayong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang tuklasin ang isang problema at magbigay ng solusyon. Halimbawa nito ay thesis

TEKNIKAL NA PAGSULAT

400

Aling proseso ng wika ang sinisigurong pareho ang istilo at gramatika ng lahat ng mag-aaral sa buong bansa?

ISTANDARDISASYON NG WIKA

500

Ang pangunahing layunin ng pagsulat ayon sa kanya ay maipabatid sa lipunan ang kaalaman, paniniwala, at karanasan ng manunulat.

ROYO

500

Prinsipyo ng akademikong sulatin na nagtatampok sa pagpapanatili ng intelektwal na direksyon ng manunulat—may malinaw na posisyon na hindi pabago-bago, suportado ng lohika.

MAY PANININDIGAN
500

Uri ng pagsulat na intelektuwalisado, may mahigpit na estruktura, gumagamit ng pormal na wika, at karaniwang nakabatay sa pananaliksik.

AKADEMIKONG PAGSULAT

500

Isang komite sa edukasyon ang gumagawa ng diksyunaryo ng Filipino na may mga teknikal na salita sa agham, matematika, at teknolohiya na dating Ingles lamang, upang magamit sa pagtuturo sa paaralan. Ano ang konsepto ng wika na naglalayong gawing mas akademiko at mas angkop ang Filipino para sa lahat ng larangan?

INTELEKTWALISASYON NG WIKA

M
e
n
u