Ito ang tema ng sanaysay
Ipinakita sa akda ang hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa mahihirap at mayayaman.
Ito ang paksa ng sanaysay
Ang kwento ay umiikot lamang sa buhay ng mga taong nasa iskwater area at nasa subdivision.
Ano ang pangalan ng ating professor sa GNED 14
Bb. Gian Millen Reyes
Gaano kalaki ang TV ng main character at paano namn ang sa kanilang kapitbahay
14 inches at 56 inches
Ito ang Teoryang Pampanitikan ang ginamit ng author
Teoryang Realismo
Tungkol saan ang Iskwater
Ang akda ay tungkol sa buhay ng mga taong nakatira sa iskwater at ang mga hamon na kanilang hinaharap sa pang araw-araw. Ipinapakita sa akda ang hindi pagiging patas na pagtingin ng lipunan at ang pagpupursige nilang manatili at mabuhay sa lugar nila.
Paano inilarawan ang mayamang kolehiyala
Matangkad, maganda, maputi, seksi, at kaakit-akit
Tagpuan kung saan halos lahat naganap ang mga pangyayari sa sanaysay
Iskwater Area
Estilo ng pagsusulat na ginamit ng author
pamilyar at mapagmasid (observational)
Ito ang Ideyang taglay na ipinakita ng author sa sanaysay
Ipinapakita ng akda ang hindi pagkakapantay-pantay ng buhay ng mahihirap at mayayaman sa isang komunidad
Paano nagpapasikat ang mga mayayaman sa mahihirap
malakas magpatugtog ng kanilang mga komponent
Dito nakatira ang kaibigan ng main character
Don Enrique Subdivision, Quezon City
Buod ng Sanaysay ng Iskwater
Ang sanaysay na “Iskwater” ni Luis G. Asuncion ay naglalarawan ng buhay ng mga taong naninirahan sa isang squatters’ area sa Quezon City. Ipinapakita rito ang kanilang patuloy na pakikibaka laban sa kahirapan at sa banta ng demolisyon, kahit wala silang malilipatang maayos. Napansin din ng may-akda na may mga mayayamang pamilya na nakatira sa lugar at namumuhay nang marangya, taliwas sa karaniwang imahe ng iskwater. Sa huli, binibigyang-diin ang matinding hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan at ang hirap ng mahihirap na makaalis sa kanilang kalagayan.
Balangkas ng mga pangyayari sa sanaysay na Iskwater
Simula - Inilarawan ang buhay sa iskwater at ang kalagayan ng mga tao dito. Ipinagkumpara at inilarawan ang itsura ng iskwater noon at ngayon at kung paano nagkakaroon ng kakulangan sa pangunahing pangangailangan
Gitna - Nakakaranas ng hindi pantay na pagtingin ng lipunan sa mga nakatira sa iskwater na habang pagtagal ay lumalala ang kanilang sitwasyon dahil sa kahirapan. Kinukumpara ng tagapagsalaysay ang pagkakaiba ng buhay ng mga nasa iskwater at mga mayayaman.
Wakas - Nanatili na lamang ang mga naninirahan sa iskwater dahil sa kahirapan kahit gusto nilang lumipat. Napagtanto sa akda kung bakit ba ang mga mayayaman ay puwede sa lugar ng mahihirap at ang mahihirap naman ay hindi puwede sa lugar ng mayayaman.
Sino ang mga tauhan sa sanaysay na Iskwater
Tagapagsalaysay at ang Mayaman na kapitbahay
Malapit dito ang iskwater area na kanilang pinaninirahan
Batasang Pambansa sa Commonwealth, Quezon City