Tensyon sa Cuba
Digmaan at Look ng Maynila
Mock Battle at Kasunduan sa Paris
Benevolent Assimilation
Bonus
100

Saan sumabog ang barkong USS Maine?

Havana, Cuba

100

Kailan idineklara ng Estados Unidos ang digmaan laban sa Espanya?

Abril 25, 1898

100

Ano ang tawag sa kunwaring labanan noong Agosto 13, 1898?

Mock Battle of Manila

100

Sino ang naglabas ng Benevolent Assimilation Proclamation?

William McKinley

100

Ano ang pangunahing produkto ng Cuba na naging mahalaga sa interes ng Estados Unidos?

Asukal

200

Anong bansa ang sinisi ng Estados Unidos sa pagsabog ng USS Maine?

Espanya

200

Sino ang namuno sa hukbong-dagat ng Amerika sa Labanan sa Look ng Maynila?

George Dewey

200

Kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Paris?

Disyembre 10, 1898

200

Ano ang kahulugan ng salitang Benevolent?

Mabuti o may mabuting hangarin.

200

Sino ang namuno sa hukbong-dagat ng Espanya sa Labanan sa Look ng Maynila?

Admiral Patricio Montojo

300

Ano ang tawag sa pahayagang nagpapalabis ng balita upang maimpluwensiyahan ang opinyon ng publiko?

Yellow Journalism

300

Kailan naganap ang Labanan sa Look ng Maynila?

Mayo 1, 1898

300

Magkano ang ibinayad ng Estados Unidos sa Espanya ayon sa Kasunduan sa Paris?

$20 milyon

300

Ano ang kahulugan ng salitang Assimilation?

Pagsasanib o pagsasama sa ilalim ng isang pamahalaan.

300

Anong dokumento ang nagsilbing opisyal na patakaran ng Estados Unidos sa pamamahala ng Pilipinas?

Benevolent Assimilation Proclamation

400

Bakit naging interesado ang Estados Unidos sa mga pangyayari sa Cuba?

Dahil sa kalakalan at interes nito sa Cuba.

400

Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit natalo ang hukbong Espanyol sa Look ng Maynila.

(Halimbawa) Mas moderno ang sandata ng Amerika; mas mahusay ang estratehiya; mahina ang hukbong-dagat ng Espanya; malayo ang suplay ng Espanya.

400

Bakit naging mahalaga ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kasunduan sa Paris?

Dahil maipapahayag nila ang kagustuhan at karapatan ng Pilipinas.

400

Magbigay ng dalawang motibo ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas.

(Halimbawa) Pagpapalawak ng kapangyarihan, pagpapalawak ng kalakalan, estratehikong lokasyon.

400

Bakit hindi kinilala ng maraming Pilipino ang Kasunduan sa Paris?

Dahil walang kinatawang Pilipino sa kasunduan at hindi kinilala ang kalayaan ng Pilipinas.

500

Ipaliwanag kung paano naging sanhi ng Digmaang Espanyol-Amerikano ang pagsabog ng USS Maine.

Dahil sinisi ng Amerika ang Espanya sa pagsabog kaya nagdeklara ito ng digmaan.

500

Bakit mahalaga ang tagumpay ng Amerika sa Look ng Maynila?

Dahil humina ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at naging daan ito sa pananakop ng Amerika.

500

Ipaliwanag ang naging epekto ng Kasunduan sa Paris sa Pilipinas.

Nagsimula ang pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas at hindi kinilala ang kalayaan ng bansa.

500

Ano ang pagkakaiba ng ipinahayag na layunin at motibo ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas?

Ang ipinahayag na layunin ay kapayapaan, edukasyon, at mabuting pamahalaan, samantalang ang motibo ay pagpapalawak ng kapangyarihan, kalakalan, at impluwensiya sa Asya.

500

Ano ang tatlong pangunahing motibo ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas?

  • Pampulitika
  • Pang-ekonomiya
  • Pang-estratehiya
M
e
n
u