PATLANG
BAHAGI
AYOS
URI
100

Naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa simuno o paksa ang __________.

Naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa simuno o paksa ang panaguri.

100

Ano ang ginamit na simuno?

Paborito ni Mingming ang kulay pulang bola na iyan.

ang kulay pulang bola na iyan

100

KARANIWAN O DI-KARANIWAN?

Nalilipat ito gawa ng kagat ng lamok na Aedes na may dala ng nasabing virus.

KARANIWAN

100

Ano ang tamang bantas?

Tama na__ Natatakot na ako sa palabas na iyan__

Tama na! Natatakot na ako sa palabas na iyan!

200

Ang ________ o pasalaysay na pangungusap ay naghahayag ng opinyon, impormasiyon at iba pa.

Ang paturol o pasalaysay na pangungusap ay naghahayag ng opinyon, impormasiyon at iba pa.

200

Ano ang ginamit na panaguri?

Ang maruming kapaligiran ay mapanganib sa kalusugan.

mapanganib sa kalusugan

200

KARANIWAN O DI-KARANIWAN?

Ang dengue, na kinikilala ring breakbone fever ay isang malubhang sakit na sanhi ng dengue virus.

DI-KARANIWAN

200

Ano ang tamang bantas?

Ikaw ba ang nagwalis ng kalat sa kalsada__

Ikaw ba ang nagwalis ng kalat sa kalsada?

300

Ang __________ na pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng pagkabigla at kalungkutan.

Ang padamdam na pangungusap ay nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng pagkabigla at kalungkutan.

300
Tanggapin ninyo ang biyaya!

You may receive double of 300 points.

300

KARANIWAN O DI-KARANIWAN?

Mahigpit na ipatutupad ng Departamento ng Kalusugan ang pagsunod sa 4S Kontra Dengue upang maiwasan ang ganitong sakit.

KARANIWAN

300

Anong uri ng pangungusap? 

Pakiusap, palagi mong isusuot ang iyong face mask at face shield kapag nasa labas ka.

PAUTOS

400

Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ka__________ at di-__________

Ang dalawang ayos ng pangungusap ay karaniwang ayos at di-karaniwang ayos

400

Ang hindi pagtatapon sa tamang basurahan...

  • ay magbubunga ng maruming kapaligiran.
  • ay may malinis na pamayanan.

Ang hindi pagtatapon sa tamang basurahan ay magbubunga ng maruming kapaligiran.

400

Gawing karaniwang ayos ang pangungusap:

Ang buong pamilya ni Farrah ay mapagmahal sa alagang hayop.

Mapagmahal sa alagang hayop ang buong pamilya ni Farrah.

400

BUMUO NG PANGUNGUSAP:

...

500

Ang apat na uri ng pangungusap ay ___________, ___________, ___________, at ___________,

Ang apat na uri ng pangungusap ay paturol, patanong, padamdam, at pautos

500

Tukuyin ang Paksa at Panaguri ng pangungusap:

Ang batang si Jahnie ay may walong pusa at inaalagaan niya nang mabuti ang mga ito.

Paksa: Ang batang si Jahnie

Panaguri: may walong pusa at inaalagaan niya nang mabuti ang mga ito

500

Gawing di-karaniwang ayos ang pangungusap.

Paglilinis sa kalat ng ating mga alaga ang isa sa ating responsibilidad.

Ang isa sa ating responsibilidad ay paglilinis sa kalat ng ating mga alaga

500

BUMUO NG PANGUNGUSAP:

...

M
e
n
u