Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang lider?
A. Magaling sa pakikipagkomunika
B. Maaaring magtakda ng mga mahihirap na layunin
C. Laging sumusunod sa utos ng iba
A. MAGALING SA PAKIKIPAGKOMUNIKA
Ano ang mahalagang aspeto ng komunikasyon ng isang lider?
A. Pagbibigay ng mga utos nang hindi nag-iisip
B. Pagiging bukas sa mga opinyon at suhestyon ng iba
C. Pagtatago ng mga impormasyon sa grupo
B. Pagiging bukas sa mga opinyon at suhestyon ng iba.
Paano nakakatulong ang isang lider na may matibay na pananampalataya sa kanyang grupo?
A. Pinipilit niyang kontrolin ang lahat ng aspeto ng trabaho
B. Binibigyan niya ng inspirasyon at lakas ng loob ang iba
C. Ipinagpapaliban ang lahat ng mga desisyon
B. Binibigyan niya ng inspirasyon at lakas ng loob ang iba
Anong katangian ng isang lider ang nag-aambag sa pagpapalakas ng tiwala sa loob ng isang organisasyon?
A. Pagiging matapat at tapat sa kanyang salita
B. Pag-iwas sa komunikasyon at feedback
C. Pagiging pabigla-bigla sa desisyon
A. Pagiging matapat at tapat sa kanyang salita
Ano ang mga epekto ng empatiya sa isang lider sa kanyang mga miyembro ng koponan?
A. Nagpapataas ito ng galit at tensyon
B. Nakatutulong ito sa pagbuo ng relasyon at pagkakaisa
C. Binabawasan nito ang produktibidad
B. Nakatutulong ito sa pagbuo ng relasyon at pagkakaisa
Ang layunin ng lider ay ang pagtutok sa pagpapahayag ng mga pangarap at layunin, na naglalayong magtaguyod ng pagkilos at pagtutulungan patungo sa pag-abot ng bagong mga pangarap na iisa-isang hinahangad.
Tagapangarap o Visionary
Ang lider ay nakatuon sa pagbuo ng kakayahan ng bawat indibidwal, ipinapakita sa kanila kung paano mapabuti ang kanilang pagganap, at tinutulungan silang maiugnay ang kanilang mga layunin sa mga layunin ng organisasyon.
Tagapagturo o Coaching
Ang lider ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan at nagtataguyod ng harmonya o pagkakasundo sa isang grupo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng koneksyon sa isa't isa.
Kaakibat o Affiliative
BONUS POINT
SINO ANG CRUSH MO? KAPAG SINAGOT MAYROONG PUNTOS.
Ang lider na ito ay nagbibigay-diin sa partisipasyon at pagtutulungan sa loob ng grupo.
Demokratiko
Ang lider ay nagtatakda ng mataas na pamantayan para sa pagganap at inaasahan ang kanilang mga kasapi na tugunan ang mga ito.
Tagapagtakda ng Takbo o Pacesetting
Ang lider ay nagtataguyod ng pagsunod sa kaniyang mga utos at direktiba. Ito ay isang klasikong modelo ng pamumuno na kadalasang nakikita sa larangan ng militar.
Komandante o Commanding
Ang lider ay madaling lapitan at may empatiya. Ipinaaabot niya ang kaniyang pag-aalala at trinatrato niya ang bawat isa ng may dignidad at respeto.
Tagasuporta o Supportive
Ang lider na may transpormasyonal na istilo ay nagtataglay ng kakayahan na baguhin ang kanyang grupo o organisasyon sa pamamagitan ng inspirasyon, pangitain, at kahusayan sa komunikasyon.
Pagbabago o Transformational
SINO ANG CRUSH MO?
BONUS POINT