Siya ang itinuturing ng mga kapwa Katipunero bilang isang "Military Genius" at naging kanang kamay ni Andres Bonifacio sa pagpapalakad ng Katipunan.
Emilio Jacinto
Ano ang acronym ng "EDSA"?
Epifanio de los Santos Avenue
Siya ang kauna-unahang babaing namuno ng rebolusyon sa Pilipinas. Kasama ng mga tauhan ng kanyang asawa, hinikayat nila ang ibang mga gerilya upang magkaisa at palawigin pa ang pakikipaglaban.
Gabriela Silang
Ito ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Bataan Death March
Siya ay isang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa Filipinas, tulad ng karapatang panghalalan, at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.
Josefa Llanes Escoda
Ito ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipinas. Nilalamán nitó ang mga dasal na “Ang Ama Namin,” “Ang Aba Ginoong Maria,” “Ang Sumampalataya,” at “Ang Aba Po,” ang mga aral na “Ang Sampung Utos,” “Ang Utos ng Santa Igle- sya,” “Ang Pitong Sakra- mento,” at “Ang Pitong Punong Kasalanan at kaukulang Pakikinabang,” at ang “Tanungan” para sa pangungumpisal.
Doctrina Christiana/ Doktrina Kristiyana
Siya ay isang Pilipinong heneral na naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Itinuturing siyang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano.
Miguel Malvar
Ito ay ang kolokyal na katawagan sa mga salaping ginagamit ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapon, nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinawag na _____________ ang mga salaping ito sapagkat naihahalintulad ito sa mga laruang pera.
Mickey Mouse Money
Naganap ang unang misa sa Pilipinas noong araw ng Linggo ng Pagkabuhay, Mayo 31, 1521
False/ Mali- March 31,1521
Siya ay lider, Katipunero at nagtatag ng Republikang Tagalog, isang pamahalaang rebolusyonaryo na isinulong niyá upang ipagpatuloy ang pakikibáka laban sa mga Americano.
Macario Sakay
September 21, 1972
Totoo ba na ang mga barkong Victoria, Concepcion, Santiago, Trinidad at San Fernando ang sinasabing ginamit ni Ferdinand Magellan sa kanyang ekspedisyon para sa España upang tumuklas ng bagong lupain at bagong daan sa paglalakbay papuntang Silangan?
False/ Mali- Victoria, Concepcion, Santiago, Trinidad at San Antonio