Ito ay itinuturing na unang anyo ng pagsulat sa Pilipinas.
Baybayin
Sino ang unang Pangulo ng Pilipinas?
Emilio Aguinaldo
Sino ang pangulo na makikita sa ₱20 na papel at barya?
Manuel L. Quezon
Ang "KKK" ay nangangahulugang?
Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Sino ang nakatuklas sa Pilipinas?
Ferdinand Magellan
Ano ang palayaw ni Jose Rizal?
Pepe
Ilang kulay ang makikita sa watawat ng Pilipinas, at ano-ano ang mga ito?
4 - Blue, Yellow, Red, White
Ano ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas?
Cebu City
Sino ang kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na ipinanganak matapos ang panahon ng kolonyalismong Espanyol?
Ramon Magsaysay
Ano ang lugar na tinaguriang “Summer Capital of the Philippines”?
Baguio City
Si Melchora Aquino, na kilala bilang “Ina ng Katipunan,” ay kilala rin bilang _____.
Tandang Sora
Saang bayan sa Laguna ipinanganak si Rizal?
Calamba
Ang "Lupang Hinirang" ay nangangahulugang?
The Chosen Land
Ano ang tawag o daglat sa tatlong paring Pilipino na pinatay ng mga Espanyol?
GOMBURZA
Sino ang pambansang bayani na makikita sa ₱5 na barya?
Andres Bonifacio
Ang GOMBURZA ay mga martir na inialay ni pambansang bayani Jose Rizal sa kanyang ikalawang nobela na pinamagatang _____.
El Filibusterismo
Kailan unang narinig sa publiko ang "Lupang Hinirang"?
June 12, 1898
Nakuha ng Pilipinas ang pangalan nito mula kay _____ na hari ng Espanya noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo.
King Philip II
Ang “Spoliarium” ay isang likhang-sining ng isang tanyag na pintor na Pilipino. Sino siya?
Juan Luna
Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Maynila at kilala rin bilang “Lungsod na Napapaderan” o "Walled City".
Intramuros