Tinuturing na pambansang ulam, niluluto na may kasangakapang Toyo, Suka at Sibuyas. Maaaring may Manok o Baboy
Ano ang Adobo?
Bida ang Saya
Ano ang Jollibee?
Pambansang Bayani ng Pilipinas. Kilala rin sa kanyang palayaw na Pepe
Sino si Dr. Jose Rizal?
Katulong ng mga magsasaka sa kanilang bukirin.
Pambansang Hayop.
Ano ang Kalabaw?
Maaksyong serye na pagkahaba-haba at tanging gobyerno lang ang nakapag patigil. Ipinalabas ito sa ABS-CBN
Ano ang "Ang Probinsyano"?
Isang putahe na nakuha mula sa Tsina, na sinasabing nakakapagpahaba ng buhay.
Ano ang Pansit?
Masarap kahit walang sauce.
Magaling na atleta sa larangan ng "Boxing".
Siya rin ay Senador sa ating bansa.
Sino si Manny Pacquiao/Pacman?
Anyong lupa na tinataniman ng palay at gulay. Matatagpuan sa Ifugao.
Ano ang Banaue Rice-Terraces / Hagdan-hagdan palayan?
Programa kung saan ibinibida ang kung ano-ano o kung sino-sino, ito ay tuwing linggo sa GMA na di-umano, mas maraming manunuod kumpara sa katapat niyang palabas sa ABS-CBN.
Ano ang "Kapuso mo, Jessica Soho"?
Mabenta ang meryendang ito sa tag-init. May yelo, gatas at mga minatamis sa ibabaw.
Ano ang Halo-halo?
"Ay ayan? May crush/gusto sakin yan e,"
Pinakagwapong lalaki sa ating pangkat.
Sino si Sir Chris Morada?
Tinaguriang Hari ng Komedya.
Siya ay kabilang sa palabas na "Home Along Da Riles"
Sino si Dolphy/Dolphy Quizon?
Lumang pamamaraan ng pagsulat na ginamit ng ating mga ninuno.
Ano ang baybayin/alibata?
Isang palabas noon na pambata tungkol sa sining, na kung saan nagtuturo sila kung paano maging malikhain. Kung saan pinangungunahan nila Ate Pia at Kuya Tonipet. Ipinalabas ito sa GMA
Ano ang Art-Angel?
Itlog na binalot sa kulay kahel na harina. Ang kadalasang sawsawan nito ay suka. Mabibili ito at makikita sa mga kalye.
Ano ang Kwek-kwek / Tokneneng *Neon Balls* ?
Sa unang kagat,
Tinapay Lahat.
Ano ang Angel's Burger?
Isang sikat na mang-aawit na naimbitahan ni Ellen Degeneres at naging panauhin sa palabas na "GLEE".
Sino si Charice Pempengco/Jake Zyrus?
Pinakamalaking buwaya na nahuli sa Bunawan, Agusan del Sur.
Sino si Lolong?
Isang pelikula kung saan sinubukang pigilan ng 4 na magkakapatid na babae ang kasal ng kanilang bunsong kapatid na lalaki.
Dito rin natin napanuod kung saan kinaladkad ni Angel Locsin si Mocha Uson.
Ano ang "Four-Sisters and a Wedding"?
Pagkaing prito na hinahanap-hanap sa mga handaan,
ang sangkap ay gulay at giniling. Mas sumikat ang pagkaing ito ng makita sa isang nakakatawang imahe (MEME) na binubulsa o mabilis na nauubos.
Ano ang Lumpia/Lumpiang Shanghai?
In the service of Filipino People
Ano ang ABS-CBN?
Isang sikat na manunulat na may likha ng mga sumusunod na libro;
Sino si Bob Ong?
Isang kaganapan kung saan ang mga Pilipino ay nagkaisa at nagtipon upang mapaalis sa pwesto si Joseph Estrada bilang pangulo.
Ano ang Edsa DOS/People Power 2?
Isang pelikula kung saan ang mga preso ay palihim na pinalalabas ng bilangguan upang itumba/patayin ang kung sino mang ituro ng mga Politiko, kapalit ng salapi. At sila ay muling babalik ng palihim sa kanilang selda.
Isa sa mga gumanap dito ay si Gerald Anderson.
Ano ang "On-The-Job"?