Kilatisin ang Konsepto
Suriin ang Sitwasyon
Noon at Ngayon
Mga Uri ng Pakikibaka
Kabataang Kumikilos
100

Nagsimulang mag-online selling ang pamilya ni Ana matapos magsara ang kanilang pisikal na tindahan. Anong konsepto ang pangunahing ipinapakita?

A. Pakikiangkop

B. Pakikibakang ekolohikal

C. Kilos-protesta

D. Voters' Education

A. Pakikiangkop

100

Nagboluntaryo ang mga Grade 11 students na magturo ng pagbasa sa mga batang kulang sa oportunidad. Anong paraan ng pagkilos ng kabataan ang ipinapakita?

A. Pagsusulong ng katarungan

B. Pagtataguyod ng Edukasyon

C. Praktikal na pinansyal

D. Pakikibakang ekolohikal

B. Pagtataguyod ng Edukasyon

100

Ang pagtutulungang makikita sa mga community pantry ngayon ay may kaugnayan sa anong pagpapahalagang matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino?

A. Kolonyalismo

B. Bayanihan

C. Sistemang patron

D. Indibidwalismo

B. Bayanihan

100

Anong uri ng kontemporaryong pakikibaka ang tumutukoy sa sama-samang pagtitipon ng mga manggagawa sa piketlayn para sa makatarungang sahod?

A. Digital activism

B. Kilos-protesta at welga

C.People's council

D. Green practices

B. Kilos-protesta at welga

100

Anong paraan ng pagkilos ng kabataan ang tumutukoy sa paggamit ng mga bagong ideya at teknolohiya upang solusyunan ang mga lumang suliranin?

A. Makabagong kaisipan

B. Aktibong pakikilahok

C. Pagsusulong ng katarungan

D. Pagtataguyod ng edukasyon

A. Makabagong kaisipan

200

Gumamit ang isang youth organization ng online petition at hashtag campaign upang isulong ang karapatang pantao. Anong anyo ng pakikibaka ito?

A. People's council

B. Green practices

C. Praktikal na pinansyal

D. Digital activism

D. Digital activism

200

Pagkatapos ng bagyo, gumamit ang magkakapitbahay ng group chat upang magbahagi ng rescue updates at impormasyon tungkol sa donasyon. Anong estratehiya ang ipinapakita?

A. Kolonyal na mentalidad

B. Sistemang patron

C. Digital communication

D. People's council

Digital communication

200

Naniniwala ang isang mamimili na mas mataas ang kalidad ng isang produkto dahil lamang ito ay galing sa ibang bansa. Anong konsepto ang inilalarawan?

A. Makabagong kaisipan

B. Kritikal na kamalayan

C. Colonial mentality

D. Digital literacy

C. Colonial mentality

200

Anong uri ng kontemporaryong pakikibaka ang nakatuon sa pagtatanggol sa kalikasan laban sa mapanirang pagmimina at reclamation projects?

A. Voters' education

B. Pakikibakang ekolohikal

C. Pagtataguyod ng edukasyon

D. Tanggol-karapatan ng katutubo

B. Pakikibakang ekolohikal

200

Sumali ang isang pangkat ng kabataan sa voter registration drive at mga gawaing pampamayanan. Anong paraan ng pagkilos ang ipinapakita?

A. Makabagong kaisipan

B. Praktikal na pinansyal

C. Pagtaguyod ng edukasyon

D. Aktibong pakikilahok

D. Aktibong pakikilahok

300

Bago magbahagi ng viral na balita, sinuri ni Lara ang pinagmulan, ebidensya, at konteksto nito. Anong kasanayan ang ipinapakita?

A. Digital literacy

B. Cyberactivism

C. Digital na kabuhayan

D. Colonial mentality

A. Digital literacy

300

Tumutol ang isang pamayanang katutubo sa pagtatayo ng imprastrakturang maaaring sumakop sa kanilang lupang ninuno. Anong uri ng pakikibaka ang pangunahing ipinapakita?

A. Digital activism

B. Pakikibakang ekolohikal

C. Pakikibakang pangkabuhayan

D. Tanggol-karapatan ng katutubo

D. Tanggol-Karapatan ng Katutubo

300

May mga magsasakang patuloy na nakararanas ng suliranin sa pagmamay-ari ng lupa. Batay sa aralin, anong historikal na salik ang may kaugnayan dito?

A. Paglaganap ng digital banking

B. Pag-usbong ng online selling

C. Pagpapalakas ng online campaigns

D. Sistemang kolonyal ng pagmamay-ari ng lupa

D. Sistemang kolonyal ng pagmamay-ari ng lupa

300

Gumagamit ang isang pangkat ng lokal na wika sa sining at social media upang mapanatili ang katutubong kultura. Sa anong larangan ng pakikibaka ito kabilang?

A. Voters' Education

B. Praktikal na pinansyal

C. Pakikibaka para sa sahod

D. Pakikibaka para sa kultura at identidad

D. Pakikibaka para sa kultura at identidad

300

Anong paraan ng pagkilos ng kabataan ang tumutukoy sa pagtindig laban sa katiwalian at pagtatanggol sa karapatang pantao?

A. Pagsusulong ng katarungan

B. Digital na komunikasyon

C. Pagtataguyod ng edukasyon

D. Makabagong kaisipan

A. Pagsusulong ng katarungan

400

Nais ng isang lokal na pamahalaan na direktang maisama ang mga magsasaka, mangingisda, at kababaihan sa mga pagpapasya tungkol sa badyet. Anong mekanismo ang inilalarawan?

A. Digital banking

B. People's council

C. Voters' education

D. Community pantry


B. People's council

400

Nagtayo ang mga residente ng community pantry at sabay na nanawagan sa pamahalaan ng mas maayos na serbisyong panlipunan. Ano ang ipinapakita ng dalawang pagkilos?

A. Ang pantry ay kapalit ng lahat ng serbisyong panlipunan.

B. Maaring magkasabay ang pakikiangkop at pakikibaka.

C. Ang pakikibaka ay ginagawa lamang sa panahon ng rebolusyon.

D. Ang pakikiangkop ay nangangahulugang pagtigil sa pagbabago.

B. Maaring magkasabay ang pakikiangkop at pakikibaka.

400

Si Marco ay naniniwalang mas mahalaga ang produktong dayuhan kaysa lokal dahil lamang sa pinagmulan nito. Gumagawa naman si Lia ng content gamit ang katutubong wika upang mapanatili ito. Anong dalawang konsepto ang makikita? 

A. Digital literacy vs Financial practicality

B. Pakikiangkop sa trabaho at voters' education

C. Colonial mentality vs Pakikibaka para sa kultura at identidad

D. People's council at pakikibakang ekolohikal

C. Colonial mentality vs Pakikibaka para sa kultura at identidad

400

Isang organisasyon ang nagsasagawa ng kampanya laban sa diskriminasyon at karahasan batay sa kasarian. Anong larangan ng pakikibaka ito?

A. Pakikibaka sa kasarian

B. Pakikibaka para sa lupa

C. Pakikibakang ekolohikal

D. Teknolohikal na pakikiangkop


A. Pakikibaka sa kasarian

400

Nag-organisa ang mga estudyante ng libreng tutorial sessions para sa mga batang kulang sa oportunidad. Alin sa apat na paraan ng pagkilos ng kabataan ang inilalarawan?

A. Pagsusulong ng katarungan

B. Makabagong kaisipan

C. Aktibong pakikilahok sa halalan

D. Pagtataguyod ng edukasyon

D. Pagtataguyod ng edukasyon

M
e
n
u