Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
Tulang Liriko
Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa.
Soneto
Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Elehiya
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan.
Oda
Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.
Awit
Elemento ng tula tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata.
Persona
Elemento ng tula na nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo.
Musikalidad
Elemento ng tula na tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng tayutay at matatalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Talinghaga
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
Pagtutulad (Simile)
Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila ito ay isang tao o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.
Pagtawag (Apostrophe)
Ano ang tawag sa pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon.
Paghihinuha
Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito.
Tayutay
Ang tulang "Ang Aking Pag-ibig" ay halaw sa akdang How Do I Love Thee – Sonnet XLIII na isinulat ni ____________.
Elizabeth Baret Browning
Mahirap na yatang maibalik pa sa dati ang lahat sapagkat ako'y iyong lubusang nasaktan.
Anong salita ang ginamit na paghihinuha sa pangungusap?
Yata
Ano ang suliranin ni Della sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago?
Ibibigay na regalo sa asawa niyang si Jim.
Marahil totoo ang kanyang sinasabi hinggil sa iyong pagtataksil.
Anong salita ang ginamit na paghihinuha sa pangungusap?
Marahil
Ano ang tawag sa mga marurunong na nagalay ng regalo nang maisilang si Hesus?
Mago
Ano ang mga bagay na inialay ng mga marurunong sa batang Hesus?
Ginto, kamanyang at mira
Anong mahalagang yaman ang naipagbili ni Jim para makabili ng aginaldo para kay Della?
Relos
Isang elemento ng maikling kuwento na nagbibigay buhay o nagpapagalaw sa kuwento at gumaganap sa mga pangyayari.
Tauhan
Ayon sa paniniwala, sa kanila nagsimula ang kaugaliang pagbibigayan ng regalo lalo na sa pagsapit ng Pasko.
Ang mga marurunong
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
Pagtatao (Personipikasyon)
Ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong hari na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo na _________________.
Mateo 2: 1-12
Leon sa bagsik ang ama ni David.
Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
Pagwawangis (Metapora)
Sino ang ama ng maikling kuwento sa buong daigdig?
Edgar Allan Poe