Ito ang aktor sa ekonomiya na may-ari ng mga salik ng produksiyon (lupa, paggawa, at kapital) at siyang bumibili ng mga tapos na produkto.
Sambahayan
Ang buwis na ipinapataw sa mga inaangkat na produkto upang protektahan ang mga lokal na negosyo laban sa dayuhang kompetisyon.
Taripa (Tariff)
Ang sektor na naniningil ng buwis upang makalikha ng mga pampublikong paglilingkod.
Pamahalaan
Kalagayan ng badyet kung saan mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa kinikita o pondo nito.
Budget Deficit
Isang matindi at kakaibang sitwasyon kung saan ang presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw, o linggo (gaya ng nangyari sa Zimbabwe).
Hyperinflation
Ang pamamaraan ng pamahalaan sa paggasta at paniningil ng buwis upang maimpluwensyahan ang ekonomiya.
Patakarang Piskal
Ito ang sumusukat sa kabuuang kita na natanggap ng mga mamamayan ng bansa, saan mang dako ng mundo sila naroon.
GNI (Gross National Income)
Ang tawag sa pagbebenta ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
Pagluluwas (Export)
Ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon.
Pambansang Badyet
Ang aktor na responsable sa pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto o serbisyo.
Bahay-kalakal
Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto sa pamilihan.
Implasyon
Ang taon na nagsisilbing batayan o reference point sa paghahambing ng mga presyo; karaniwang itinatala bilang 100 ang index nito.
Base Year
Paraan ng patakarang piskal na isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan ng pagbaba ng buwis o pagtaas ng gastusin.
Expansionary Fiscal Policy
Ang tawag sa kitang kinukuha ng pamahalaan upang pondohan ang mga pampublikong paglilingkod.
Buwis (Public Revenue)
Ito ang sumusukat sa kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng teritoryo ng bansa.
GDP (Gross Domestic Product)
Ang ahensya ng pamahalaan na nagpapalabas ng "budget call" sa lahat ng ahensya para sa paghahanda ng pambansang badyet.
Department of Budget and Management (DBM)
Ang kabaligtaran ng implasyon kung saan nagkakaroon ng pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin.
Deplasyon
Ang tawag sa bahagdan o bilis ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin mula sa nakaraang taon patungo sa kasalukuyan.
Inflation Rate
Ito ang kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at pinagkakagastusan ng mga mamamayan na ginagamit sa pagkuha ng CPI.
Basket of Goods
Paraan ng patakarang piskal na ipinatutupad kapag may banta ng mataas na implasyon sa pamamagitan ng pagbabawas ng gastusin o pagtaas ng buwis.
Contractionary Fiscal Policy
Ito ang nakukuha kapag hinati ang 100 sa CPI ng kasalukuyang taon (100/CPI ng Kasalukuyang Taon).
Purchasing Power of Peso (PPP)
Ang tawag sa kabuuang halaga ng mga bilihin sa market basket para sa isang partikular na taon.
Total Weighted Price (TWP)
Mga gawaing pang-ekonomiya na hindi nakatala sa pamahalaan tulad ng black market.
Impormal na Sektor
Instrumentong ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-aralan ang pagbabago ng presyo ng mga produkto.
Consumer Price Index (CPI)
Uri ng buwis na ipinapataw sa mga produkto gaya ng alak at sigarilyo upang mabawasan ang labis na pagkonsumo nito.
Excise Tax (Regulatory)