A
B
C
D
E
1

May sakit at walang pera, nawalan na siya ng pag-asang mailathala ang nobelang Noli Me Tangere sa Berlin noong Pebrero 1886. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maihahaluntulad sa kondisyon ng lipunan ni Rizal noon sa kasalukuyang Lipunan?

A. Ang pag-iral ng korapsyon sa DPWH. 

B. Ang impeachment case ng Bise Presidente 

C. Kakulangan sa badyet ng mga mag-aaral sa kolehiyo. 

D. Pagkalat ng mga gang sa iba't ibang mga eskuwelahan

C. Kakulangan sa badyet ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

1

Para makatipid sa gastos ng pagpapalimbag, inalis ni Rizal ang ilang bahagi ng manuskrito kasama na ang buong kabanata ng "Elias at Salome." Anong kondisyong panlipunan ang masasalamin sa kasaysayan ng paglimbag ng Noli Me Tangere? 

A. May mataas na palitan ng pera. 

B. Ubos lagi ang pera pagkatapos ng Pasko 

C. Nagtitiis ng gutom ang ilang mga OFW makapagpadala lamang sa 'Pinas 

D. Ang paglapit ng mga OFW sa embahada ng bansa pagdating mga kasong kinasasangkutan.

C. Nagtitiis ng gutom ang ilang mga OFW makapagpadala lamang sa 'Pinas

1

Kung nais mong magpahayag ng "matibay na opinyon" tungkol sa ideya ni Ibarra, aling ekspresyon ang dapt ilagaysa patlang (2)?

A. Siguro naman

B. Naniniwala ako na

C. Baka sakali

D. Sinasabing 

B. Naniniwala ako na

1

Bakit itinuturing na isa sa pinakamahalagang tauhan si Elias, bagaman hindi siya ang pangunahing bida sa simula? 

A. Dahil siya ang nagtuturo kay Ibarra kung paano maging mayaman. 

B. Dahil siya ang lihim na kaaway ni Ibarra na nais kumuha ng kanyang yaman.

 C. Dahil siya ang tauhang nagpapakita ng bulag na pagsunod sa mga prayle. 

D. Dahil siya ang kinatawan ng masa at ng mga taong nagdurusa na nagmumulat kay Ibarra sa tunay na api ng lipunan

D. Dahil siya ang kinatawan ng masa at ng mga taong nagdurusa na nagmumulat kay Ibarra sa tunay na api ng lipunan

1

 Si Padre Damaso ay inilarawan bilang isang mapusok at makapangyarihang prayle. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kanyang kahalagahan bilang "kontrabida" sa nobela? 

A. Ang kanyang pagiging malapit na kaibigan ng pamilya ni Ibarra. 

B. Ang kanyang pagtulong sa mga mahihirap sa bayan ng San Diego. 

C. Ang kanyang papel sa pagpapakita ng pang-aabuso sa relihiyon at kapangyarihan ng mga dayuhan.

D. Ang kanyang pagnanais na maging pinuno ng pamahalaan sa Pilipinas at pananalasa sa laman.

C. Ang kanyang papel sa pagpapakita ng pang-aabuso sa relihiyon at kapangyarihan ng mga dayuhan.

2

Sa pangungusap na: "Si Padre Damaso ay higit na mapusok kaysa kay Padre Sibyla sa pagbibigay ng kanyang opinyon," anong antas ng pang-uri ang ginamit sa paglalarawan? 

A. Lantay 

B. Pahambing 

C. Pasukdol 

D. Payak

B. Pahambing

2

Ang Pagdating ni Crisostomo Ibarra 

Halaw mula sa Kabanata III 

"Si Crisostomo Ibarra ay tiningala bilang isang marangal_na binata; hindi lamang dahil sa kanyang kayamanan kundi dahil sa kanyang edukasyon sa Europa at maayos na pakikitungo sa kapwa na labis na hinahangaan ng lahat." 

Batay sa pangungusap sa itaas, ano ang kahulugan ng salitang marangal? 

A. Mayaman at makapangyarihan sa lipunan. 

B. May mabuting asal at kagalang-galang. 

C. Mapagmataas dahil sa narating sa buhay. 

D. Kinatatakutan ng mga prayle at sibil.

B. May mabuting asal at kagalang-galang. 

2

Sa nobelang Noli Me Tangere, ang "pagtitiis" ni Sisa ay itinuturing na katangian ng isang "mabuting ina" noon. Sa kasalukuyang mga palabas sa telebisyon, paano na binibigyang- kahulugan ang isang "mabuting ina"?

A. Isang inang marunong lumaban para sa kanyang karapatan at kapakanan ng kanyang mga anak

B. Isang inang nananatiling tahimik kahit sinasaktan ng lipunan o pamilya at laging inaalipin ng amo 

C. Isang inang iniaasa ang lahat ng desisyon sa kanyang asawa at nagiging pagganda lamang ang eksena. 

D. Isang inang mas pinipili ang sariling kagustuhan kaysa sa pamilya hanggang maging matagumpay ang anak.  

A. Isang inang marunong lumaban para sa kanyang karapatan at kapakanan ng kanyang mga anak

2

Ang Hapunan Kabanata III "Bagaman magalang si Ibarra sa kanyang pagsasalita, naging balasubas naman ang tugon ni Padre Damaso na tila walang pakundangan sa damdamin ng binata."

Sa pagsusuri ng pangungusap, ano ang kahulugan ng salitang balasubas? 

A. Mapagkumbaba at mahinhin. 

B. Walang galang o bastos.

C. Mabilis magsalita at malakas ang boses. 

D. Punong-puno ng karunungan.

B. Walang galang o bastos.

2

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang nag-aral sa Europa na nagnanais na magpatayo ng paaralan sa San Diego. Ano ang pangunahing kahalagahan ng kanyang tauhan sa daloy ng nobela?

A. Siya ang kumakatawan sa mga Pilipinong nagnanais ng reporma at naniniwalang edukasyon ang susi sa pagbabago.

B. Siya ang sumasalamin sa karangyaan ng mga mestisong Pilipino na walang pakialam sa bansa. 

C. Siya ang tauhang nagpapakita na ang tanging paraan ng paglaya ay ang pakikipaglaban gamit ang dahas. 

D. Siya ang nagbibigay ng komedya sa kuwento dahil sa kanyang mga banyagang asal.

A. Siya ang kumakatawan sa mga Pilipinong nagnanais ng reporma at naniniwalang edukasyon ang susi sa pagbabago.

3

Sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ni Paterno sa Madrid noong Enero 2, 1884, ipinanukala ni Rizal sa isang grupo ng mga Pilipino ang pagsulat ng isang Nobela. Aling kondisyong panlipunan sa kasalukuyan ang maihahalintulad sa pahayag?

A. Ang mga mag-aaral ay nagsasama-sama para mag-ensayo para sa kanilang mga kahingian sa iba't ibang asignatura. 

B. Nagbigay suhestyon ang pangulo ng klase na bumuo ng isang sorpresa para sa araw ng mga puso. 

C. Nagkakagulo ang mga kabataan sa General Trias dahil sa isang magandang pasyalan. 

D. Nagtulong-tulong ang Sangguniang Kabataan ng Julugan sa pag-apula ng sunog.  

A. Ang mga mag-aaral ay nagsasama-sama para mag-ensayo para sa kanilang mga kahingian sa iba't ibang asignatura. 

3

Suriin ang pahayag ni Sisa: "Kayo'y mga anak ko rin, kayo'y galing sa aking katawan, kayo'y mga bahagi ng aking puso." Ano ang kahalagahan ng karakter ni Sisa sa pangkalahatang tema ng nobela? 

A. Ipinapakita niya ang kagandahan ng mga kababaihan sa lalawigan. 

B. Siya ang nagpapatunay na ang lahat ng Pilipino noon ay mahina at sumuko. 

C. Ipinapakita niya ang epekto ng labis na pagtatrabaho sa mga kababaihan. 

D. Sinisimbolo niya ang Inang Bayan na nagdurusa, nawalan ng katuwiran, at pinahihirapan ng kawalan ng katarungan.

D. Sinisimbolo niya ang Inang Bayan na nagdurusa, nawalan ng katuwiran, at pinahihirapan ng kawalan ng katarungan.

3

Ang Pighati ni Sisa Kabanata XVI "Ang mga hagulgol ni Sisa ay narinig sa buong kalsada, isang matinding pag-iyak na puno ng hapdi dahil sa pagkawala ng kanyang dalawang anak na sina Basilio at Crispin." 

Anong uri ng kontekstuwal na pahiwatig ang ginamit upang malaman ang kahulugan ng salitang hagulgol? 

A. Kasingkahulugan: Ginamit ang pariralang "matinding pag-iyak" 

B. Kasalungat: Ginamit ang salitang "narinig" bilang kabaligtaran. 

C. Depinisyon: Tahasang ibinigay ang kahulugan sa dulo ng talata. 

D. Halimbawa: Nagbigay ng mga pangalan ng anak bilang ebidensyag

A. Kasingkahulugan: Ginamit ang pariralang "matinding pag-iyak" 

3

Pebrero 21, 1887, natapos ni Rizal ang Nobela kasama niya si Viola sa pagsarbey sa mga limbagan sa Berlin na may pinakamababang singil. Aling kondisyon ng lipunan ang maihahalintulad sa pahayag?

A. Ang mabilis na inflation sa bansa. 

B. Ang pag-unti ng mga printing press sa bansa. 

C. Ang pagbibigay tulong ni Viola kay Rizal. 

D. Ang paghahanap ng mahinang klase ng produkto.  

A. Ang mabilis na inflation sa bansa.

3

Naudlot ang deportasyon ni Rizal sa Alemanya sa tulong ni Viola sa pag-aakalang siya'y espiya ng Pranses. Anong kondisyong panlipunan ang masasalamin sa pangyayari? 


A. Labis na pang-aabuso 

B. Pandarayuhan 

C. Paninira 

D. Pagtutulungan

D. Pagtutulungan

4

Sa kabuoan ng Noli Me Tangere, binanggit na ang kumwestiyon sa katarungan ay itinuturing na "kalaban ng Diyos." Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa "paniniwala sa Diyos" noong panahong iyon? 

A. Ang mga tao ay may malalim at malayang pag-unawa sa Bibliya. 

B. Ang pananampalataya ay ginagamit ng mga nasa kapangyarihan upang pasunurin at supilin ang boses ng mamamayan. 

C. Ang Diyos ay laging panig sa mga opisyal ng pamahalaan at mga prayle. 

D. Walang sinuman ang naniniwala sa katarungan dahil sa tindi ng kasalanan ng mga tao.

B. Ang pananampalataya ay ginagamit ng mga nasa kapangyarihan upang pasunurin at supilin ang boses ng mamamayan.

4

Si Sisa ay inilarawan bilang biktima ng "kalupitan sa kapwa." Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa kasalukuyan ang may katulad na kaisipan sa Sinapit ni Sisa?

A. Ang pagdami ng mga dayuhang turista na bumibisita sa bansa. 

B. Ang mga programa ng pamahalaan para sa libreng pabahay. 

C. Ang diskriminasyon at pag-abuso sa mga sektor na walang boses at kakayahan sa lipunan.

D. Ang pagdaraos ng mga marangyang pista sa mga malalayong lalawigan at pagpapakain sa mga mahihirap sa lugar.  

C. Ang diskriminasyon at pag-abuso sa mga sektor na walang boses at kakayahan sa lipunan.

4

Ang Hapunan Kabanata III "Bagaman magalang si Ibarra sa kanyang pagsasalita, naging balasubas naman ang tugon ni Padre Damaso na tila walang pakundangan sa damdamin ng binata." 

Aling salita sa tekstong Ang Hapunan ang nagsilbing "pahiwatig na kasalungat" (antonym clue) upang makuha ang kahulugan ng balasubas? 

A. Pagsasalita 

B. Pakundangan 

C. Magalang

D. Binata

C. Magalang

4

 "Ang kanser ng lipunan na inilarawan ni Rizal ay napakalubha na kung kaya't kailangan na itong malunasan." Ano ang ipinahihiwatig ng pang-uring napakalubha sa bisa ng akda sa mambabasa? 

A. Ipinapakita nito na ang problema ng bansa ay madali lang ayusin basta't makiisa na lamang sa mga nagpapalakad nito. 

B. Inilalarawan nito ang pisikal na sakit na nararamdaman ng mga tauhan dulot ng hindi pantay na pagtrato. 

C. Nagpapakita ito ng pagiging positibo ng mga tao sa gitna ng hirap ng bawat isa at pagtanggap sa katotohanan. 

D. Binibigyang-diin nito ang tindi ng korapsyon na dapat mapansin at aksyunan ng mga Pilipino.

D. Binibigyang-diin nito ang tindi ng korapsyon na dapat mapansin at aksyunan ng mga Pilipino.

M
e
n
u