Hindi balakid ang kahirapan upang maabot natin ang ating pangarap. Ano ang kasingkahulugan ng balakid?
a. biro b. hadlang c. bato
b. hadlang
BASAL - TAHAS - LANSAKAN
a. pagmamahal, kagandahan, ligaya, kalungkutan
b. angkan, klase, pamilya, barkada, kumpol
c. puno, halaman, sapatos, pintura
a. Basal
b. Lansakan
c. Tahas
Eto ang isang akdang pampanitikan na kung saan ang bida at tauhan ay mga hayop o bagay na nagsasalita.
Pabula
Ito ay akdang pampanitikan na kalimitang hango sa Banal na Aklat o Bibliya
Parabula
Palaging pinatutunog ang batingaw ng simbahan hudyat na tapos na ang misa
a. gitara b. trumpeta c. kampana
c. kampana
Nararapat lamang na ipakita ng mga tao ang kanilang pagmamahal sa Inang Kalikasan.
BASAL - TAHAS - LANSAKAN
BASAL
(Saan, Ano, Bakit) ___________ matatagpuan ang Bundok Kanlaon
Saan
GAMIT NG PANGNGALAN
Ang pamahalaan ay nagbigay ng ayuda sa mga taong nangangailangan.
Tuwirang-Layon o Layon ng Pandiwa
Jose Rizal, Husky, Nike, Bulkang Mayon, Pasko
PANTANGI O PAMBALANA?
Pantangi
Ito ay ang mga salitang ipinapalit at humalili sa pangngalan.
Panghalip
Sila ang mga gumaganap o nagbibigay-buhay sa kwento, maaaring bida o kontra-bida.
Tauhan
(Lahat, Balana, Tanan) ________ tayo ay dapat magtulungan upang mapangalagaan ang kalikasan.
Lahat
Ang klase ni G. De Leon ay nagbabasa ng parabula
BASAL - TAHAS - LANSAKAN
LANSAKAN
GAMIT NG PANGNGALAN
Ang ating kalusugan ay isang salik na mahalaga sa ating buhay kung kaya't nararapat natin itong pangalagaan.
Simuno
(Ikaw, Ako, Tayo) __________ ay nasa iisang grupo, magtulungan tayo upang masungkit ang medalya.
Tayo
paaralan, kabataan, kagubatan, kalinisan, kagubatan, sapatos, aso, puno
PANTANGI o PAMBALANA?
Pambalana
Tumutukoy sa lugar at panahon na pinangyarihan ng kwento
Tagpuan
(Anuman, Alinman, Sinuman) ___________ ang iyong pangarap sa buhay ay makakamtan mo kung ikaw ay magsusumikap.
Anuman
Pagsapit ng bukang-liwayway ay agad na naghahanda si Rona upang pumasok ng paaralan.
a. gabi b. hapon c. umaga
Ito ay tumutukoy sa paksa o pinag-uusapan sa pangungusap.
Simuno
Tumatalakay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Banghay
GAMIT NG PANGNGALAN
Si Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan, ay isang matapang at maaasahang bayani na lumaban para sa ating kalayaan.
Pamuno
Ito ay tumutukoy sa salitang kilos o galaw.
Pandiwa
Nanumbalik sa gunita ni Lesley ang mga paghihirap niya bago marating ang kaniyang kinalalagyan ngayon
a. isipan b. ala-ala c. panaginip
b. ala-ala
GAMIT NG PANGNGALAN
Nagsusumikap si Lyncee sa kaniyang pag-aaral upang magkaroon ng karangalan na iaalay niya para sa kaniyang pamilya.
Layon ng Pang-ukol