Salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa.
A. Sugnay
B. Parirala
C. Pangungusap
C. Pangungusap
Kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na maaaring may buong diwa o wala.
A. Sugnay
B. Parirala
C. Pangungusap
A. Sugnay
Ito ay salita o mga salita na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa.
A. Simuno
B. Panaguri
C. Pangngalan
B. Panaguri
Anong uri ng sugnay na di-makapag-iisa ang sinasamahan ng mga pangatnig upang panuring ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay.
A. Sugnay na Pangngalan
B. Sugnay na Pang-uri
C. Sugnay na Pang-abay
D. Walang sagot
C. Sugnay na Pang-abay
TAMA o MALI:
Di-karaniwan ang ayos ng pangungusap kung ito ay nag-uumpisa sa panaguri at nagtatapos sa simuno
MALI (Di-karaniwan ang ayos ng pangungusap kung ito ay nag-uumpisa sa simuno at nagtatapos sa panaguri.)
TAMA O MALI
Ang parirala ay may paksa ngunit walang panaguri o kaya naman ay may panaguri ngunit walang paksa.
TAMA
Tukuyin dito ang halimbawa ng parirala:
A. Pasko na!
B. Pasensya ka na ha, God bless.
C. tinapay at keso
D. Aling Vicky!
C. tinapay at keso
1. Anong uri ng sugnay na di-makapag-iisa ang may simuno na ginagamitan ng na, -ng, at g upang mabuo ang tiyak na simuno nito?
Mga pagpipilian:
A. Sugnay na Pangngalan
B. Sugnay na Pang-uri
C. Sugnay na Pang-abay
D. Walang sagot
B. Sugnay na Pang-uri
Bahagi ng pananalitang nagbibigay-ngalan sa kilos na taglay ng pandiwa.
A. Pangngalan
B. Pandiwa
C. Pang-ukol
D. Pangngalang diwa
D. Pangngalang diwa
Gawing di-karaniwang ayos ng pangungusap: "Nagluto ng pansit si nanay para sa mga bisita."
Si nanay ay nagluto ng pansit para sa mga bisita.
Ano sa tagalog ang "Sunflower"?
A. Paskwa
B. Mirasol
C. Dama de Noche
D. Kalachuchi
B. Mirasol
Kung ang winter ay taglamig, ano sa Tagalog ang "Wintermelon"?
A. Kundol
B. Santol
C. wala sa pagpipilian
A. Kundol
Ito ay uri ng parirala na binubuo ng lipon ng mga salitang naglalarawan.
A. Pariralang Pang-abay
B. Pariralang Pawatas
C. Pariralang Pang-ukol
D. Parirala sa Pangngalang diwa
A. Pariralang Pang-abay
Simuno ang anyo ng sugnay na ito sa isang pangungusap.
A. Sugnay na Pangngalan
B. Sugnay na Pang-uri
C. Sugnay na Pang-abay
D. Walang sagot
A. Sugnay na Pangngalan
Alin sa pangungusap ang halimbawa ng Pariralang Pang-ukol?
“Labag sa batas ang hindi paggamit ng face mask at face shield sa ating sitwasyon ngayon".
Labag sa batas