Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
a. tula
b. sanaysay
c. dula
d. panitikan
a. sanaysay
Ang palengke ang pinagbilhan ni Rosa ng mga gulay.
a. Pokus sa Ganapan
b. Pokus sa Sanhi
c. Pokus sa Direksyon
d. Pokus sa Kagamitan
a. Pokus sa Ganapan
Wala akong ibang babaeng minahal maliban sa'yo. Anong damdamin ang namamayani sa pahayag ni Quasimodo para kay La Esmeralda?
a. pag-aalala
b. pagmamahal
c. pagkainis
d. pagtatampo
Gaya ng bulaklak ang bango niya ay humahalimuyak.
a. pagtutulad
b. pagwawangis
c. personipikasyon
d. pagmamalabis
a. pagtutulad
Ang teoryang pampanitikan sa sintahang, "Romeo at Juliet" kung saan naipakita ang kadakilaan ng taong umiibig ay ________.
a. romantisismo
b. naturalismo
c. realismo
d. idealismo
a. romantisismo
Isang anyo ng panitikan na na nagsusulat ng tuluyan at naglalaman ng kaisipang nais ipahayago bigkasin sa harapan ng mga tagapakinig.
a. talumpati
b. editoryal
c. lathalain
d. awit at korido
a. talumpati
Ikinagulat ng lahat ang bigla niyang paghagulgol.
a. Pokus sa Ganapan
b. Pokus sa Sanhi
c. Pokus sa Direksyon
d. Pokus sa Kagamitan
b. Pokus sa Sanhi
"Hindi ba maganda Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita iyan," pahayag ni Delia. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan na __________?
a. pumasok
b. pinuntahan
c. hinanap
d. nilakbay
c. hinanap
Si Elena ang may pinakamaamong mukha sa magkakapatid.
a. pagtutulad
b. pagwawangis
c. personipikasyon
d. pagmamalabis
b. pagwawangis
Sa sinabi ni Mang Santiago na, "Nagsisi ako na napatay ko ang isda." Anong teorya ang pinapahiwatig sa nasabing pahayag?
a. humanismo
b. idealismo
c. realismo
d. naturalism
a. humanismo
Ito ay nagangahulugang agham sa mga mito na ang pangunahing tuon ay mga Diyos at mga kababalaghang pangyayari sa akda.
a. alamat
b. kwentong bayan
c. epiko
d. mitolohiya
d. mitolohiya
Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
a. Pokus sa Ganapan
b. Pokus sa Sanhi
c. Pokus sa Direksyon
d. Pokus sa Kagamitan
a. Pokus sa Ganapan
Ang tinig ng ligaw na gansa, nahuli sa pain umiyak. Ano ang ipinapahayagng salitang may salungguhit sa taludtod ng tula?
a. galit at paghihiganti
b. pagiging matatag sa buhay
c. walang katagumpayan o pagkabigo
d. pagkadismaya at pagwawalang bahala
c. walang katagumpayan o pagkabigo
Singhusay niyang gumuhit ang kanyang ina.
a. pagtutulad
b. pagwawangis
c. personipikasyon
d. pagmamalabis
a. pagtutulad
Ang sumusunod ay mga katangian ng teoryang humanismo maliban sa isa.
a. walang pagpapahalaga ang buhay at dignidad
b. nakakaimpluwensiya sa mambabasa
c. may pagpapahalagang pantao
d. may pagpapasyang pansarili
a. walang pagpapahalaga ang buhay at dignidad
Isang uri ng kwento na higit na binibigyang halaga ay ang kilos at pananalita ng pangunahing tauhan.
a. kwentong katutubong kulay
b. kwentong tauhan
c. kwentong makabanghay
d. kwentong kababalaghan
b. kwentong tauhan
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na pananghalian ni Inay.
a. Pokus sa Ganapan
b. Pokus sa Sanhi
c. Pokus sa Direksyon
d. Pokus sa Kagamitan
b. Pokus sa Sanhi
Ang lihim na pagkikita nila Romeo at Juliet
a. pagnanakaw ng ilang sandali
b. pagtataksil ni Juliet kay Paris
c. pagsuway sa utos ng kanilang angkan
d. marubdob na pag-ibig para sa isa't-isa
d. marubdob na pag-ibig para sa isa't-isa
Kumikindat ang mga bituin sa madilim na kalangitan.
a. pagtutulad
b. pagwawangis
c. personipikasyon
d. pagmamalabis
c. personipikasyon
Iayos ang salita batay sa sidhi ng damdamin o kahulugan.
busabos, mahirap, yagit
a. mahirap, busabos, yagit
b. yagit, mahirap, busabos
c. busabos, mahirap, yagit
d. yagit, busabos, mahirap
b. yagit, mahirap, busabos
Itinuturing na pinakamatandang epiko na kinikilalang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan sa Europa.
a. Gilgamesh
b. Illiad at Odessey
c. Beowulf
d. Mahabharatta
a. Gilgamesh
Iayos ang salita batay sa sidhi ng damdamin o kahulugan.
takot, pangamba, sindak
a. pangamba, takot, sindak
b. takot, pangamba, sindak
c. pangamba, sindak, takot
d. takot, sindak, pangamba
a. pangamba, takot, sindak
a. tuwa
b. inggit
c. selos
d. galit
b. inggit
Ka/sin/la/ya/ i/to/ ng/ mga/ la/la/king
Anong elemento ng tula ang makikita na isinagawa sa unang taludtod ng tula?
a. tugmaan
b. talinghaga
c. tono
d. sukat
d. sukat
Iayos ang salita batay sa sidhi ng damdamin o kahulugan.
suklam, banas, galit
a. banas, suklam, banas
b. suklam, banas, galit
c. banas, galit, suklam
d. galit, banas, suklam
c. banas, galit, suklam