Sino ang pangunahing lalaking tauhan na umiibig kay Juliet?
Romeo
Anong uri ng dula ang Romeo and Juliet?
Isang trahedya
Ano ang ibig sabihin ng dula?
Tulang itinatanghal o kwento na ipinapakita sa entablado
Saan unang nagkita sina Romeo at Juliet?
Sa handaan ng mga Capulet, kung saan nakapasok si Romeo nang palihim.
Sino ang pangunahing babaeng tauhan na umiibig kay Romeo?
Juliet
Sino ang mga pangunahing tauhan sa dula?
Romeo Montague at Juliet Capulet.
Ano ang dalawang pangunahing paraan ng pagpapahayag sa isang dula?
Dayalogo at galaw ng mga tauhan.
Ano ang naging reaksyon ni Romeo nang malaman niyang patay si Juliet?
Siya ay labis na nagdalamhati at nagpasiyang kitilin ang sariling buhay gamit ang lason.
Sino ang paring tumulong sa lihim na kasal nina Romeo at Juliet?
Friar Lawrence o Paring Lawrence
Ano ang pangunahing suliranin o problema sa dula?
Ang pag-ibig nina Romeo at Juliet na bawal dahil magkaaway ang kanilang mga pamilya.
Ano ang karaniwang nangyayari sa pangunahing tauhan sa isang trahedya?
Siya ay nagdurusa, nawawalan, o namamatay sa dulo ng kwento.
Anong pangyayari ang nagtulak kay Romeo na patayin si Tybalt?
Napatay ni Tybalt ang matalik na kaibigan ni Romeo na si Mercutio, kaya sa galit at paghihiganti, pinatay ni Romeo si Tybalt.
Sino ang pinsan ni Romeo na mapagkasundo at mahinahon?
Benvolio
Ano ang dahilan ng pagkatapos ng matagal na alitan ng dalawang pamilya?
Nagkasundo ang mga Montague at Capulet matapos mamatay sina Romeo at Juliet.
Sino ang sumulat ng Romeo at Julieta?
Si William Shakespeare.
Paano nagkaroon ng maling akala si Romeo tungkol sa pagkamatay ni Juliet?
Dahil hindi niya natanggap ang liham ni Friar Laurence na nagpapaliwanag na nagpanggap lamang na patay si Juliet bilang bahagi ng kanilang plano.
Sino ang kaibigan ni Romeo na masayahin ngunit napatay ni Tybalt?
Mercutio
Ano ang tema o paksa ng Romeo and Juliet?
Pag-ibig, kapalaran, at alitan ng pamilya.
Bakit tinuturing na trahedya ang Romeo at Julieta?
Dahil namatay sina Romeo at Juliet sa pagtatapos ng dula bilang bunga ng galit at alitan ng kanilang mga pamilya.
Ano ang naging dahilan ng pagkamatay nina Romeo at Juliet?
Maling akala at kawalan ng komunikasyon. Akala ni Romeo ay patay na si Juliet, kaya uminom siya ng lason. Nang magising si Juliet at makitang patay si Romeo, sinaksak niya ang sarili.