Ang pangalang ibinigay ni Paraon kay Jose nang itaas niya ito sa posisyong pangalawa sa kaniya dahil siya ang tagapagsiwalat ng mga bagay na nakakubli.
ZAPENAT-PANEA
[Genesis 41:45]
Karaniwan nang inihahambing sa hayop na ito ang papel ni Jesus bilang haing pantubos—ang isa na “nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan”.
KORDERO
[JUAN 1:29]
Isang sagradong kahon na matatagpuan sa Kabanal-banalan ng tabernakulo at sa templong itinayo ni Solomon. Ginawa ito sa utos ni Jehova at ayon sa kaniyang disenyo.
KABAN NG TIPAN
[EXODO 25:10, 11, 17-22; 37:6-9; JOSUE 3:6]
Niluto ito o “nilaga” ni Jacob at ibinigay niya ito sa kuya niyang si Esau para ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay.
LENTEHAS
[GENESIS 25:34]
Isang lugar kung saan naglagay ang Maylalang ng isang tulad-harding parke upang maging orihinal na tahanan ng unang mag-asawa. Iniulat na ang hardin ay nasa “Eden, sa dakong silangan,” na nagpapahiwatig na ang hardin ay isang bahagi lamang ng lugar na tinawag na Eden. (Gen 2:8)
EDEN
Pinaikling anyo ng Eleada o Adaias; ang ikalawang babae na binanggit ng Bibliya sa pangalan niya.
ADA
[Genesis 4:19]
Bukod sa wangis ng tao, anong tatlong wangis ng hayop ang nakita ni Juan sa iba pang buháy na nilalang sa aklat ng Apocalipsis?
LEON, TORO, AGILA
[APOCALIPSIS 4:7]
Mahabang “pergamino o papiro” na sinusulatan sa isang panig at karaniwang inirorolyo sa pahabang kahoy. Ang Kasulatan at ang mga kopya nito ay isinulat dito.
BALUMBON
[JEREMIAS 36:4; 2 TIMOTEO 4:13]
Namatay ang mga Israelitang rebelde bago pa man nila kainin ang karne ng mga ito na ipinadala ni Jehova gamit ang malakas na hangin.
PUGO
[BILANG 11:19, 20, 31-35]
nangangahulugang “Bundok ng Megido”].
Ang pangalang ito ay tuwirang iniuugnay sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” Espesipikong tinutukoy ng terminong ito ang kalagayan, o situwasyon, na doo’y tinitipon ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa” laban kay Jehova at laban sa kaniyang Kaharian sa ilalim ni Jesu-Kristo. Sa ilang bersiyon, isinalin ito bilang “Armagedon.” (Apo 16:14, 16,
HAR–MAGEDON
Isang marangal na titulo para sa Israel. Sa Griegong Septuagint, naging termino ito ng pagmamahal, at isinalin itong “minamahal”.
JESURUN
[DEUTERONOMIO 32:15; 33:5, 26; ISAIAS 44:2]
Ayon sa matandang alamat, ito'y halimaw na parang dambuhalang butiki. Tinatawag din itong malaking ahas at lumilitaw bilang isang anyo ng Diyablo.
DRAGON
[Apocalipsis 12:3-13:4; 20:2-3]
Isang kasuutan na ginagamit bilang proteksiyon sa digmaan. Ito ay damit na tela na kinabitan ng daan-daang maliliit at dikit-dikit na piraso ng metal na parang kaliskis ng isda.
KUTAMAYA
[1 SAMUEL 17:5]
Hindi ito pampasigla (stimulant) kundi mga sedatibo at pampakalma (depressant) ayon sa Kawikaan: “bigyan nito ang mga problemado”.
ALAK
[KAWIKAAN 31:6, 7]
Ang kabiserang lunsod ng sinaunang bansang Israel mula noong taóng 1070 B.C.E. Pagkatapos na mahati ang bansa sa dalawang kaharian (997 B.C.E.), ang Jerusalem ay nanatiling kabisera ng timugang kaharian ng Juda. at nawasak ito noong 607 B.C.E.
JERUSALEM
[2Ha 25:7-17]
Anak ni Propeta Isaias, at kapatid ni Sear-Jasub. Ang pinakamahabang pangalan na binanggit sa Hebreong Kasulatan.
MAHER-SALAL-HAS-BAZ
[Isaias 8:1]
Noong panahon ng Bibliya, inilalarawan ng hayop na ito ang lakas-militar sa panahon ng digmaan.
KABAYO
[AWIT 33:17; 147:10; ISAIAS 31:1]
Mga bagay na ginagamit noon upang tiyakin ang kalooban ng Diyos sa tuwing may “bumabangon na mga tanong” na may pambansang kahalagahan sa Israel at nangangailangan ng sagot mula kay Jehova.
URIM AT TUMIM
[EXODO 28:30]
Si Amos ay nagtrabaho rin sa pana-panahon bilang isang hamak na tagaputi ng anong uri ng igos, na siyang itinuturing na pagkain lang ng mahihirap?
IGOS NG SIKOMORO
[AMOS 7:14]
Tinawag siyang “anghel ng kalaliman”. Isang beses lamang binanggit ang pangalan niya sa Bibliya na nangangahulugang “pagkapuksa o Tagapuksa”.
ABADON O APOLYON
[APOCALIPSIS 9:11]
Sa hayop na ito inihambing ang mata ng Shulamita nang sabihin ng pastol sa kaniya: “napakaganda mo, mahal ko”.
KALAPATI
[AWIT NI SOLOMON 1:15; 5:2]
Isa itong “lalagyan” na napapalamutian ng mamahaling mga bato. Kapag pumapasok sa Banal ang mataas na saserdote ng Israel, isinusuot niya ito sa may tapat ng puso niya.
PEKTORAL
[EXODO 28:15-30]
Isang beses lamang ito lumitaw sa Kasulatan—at binanggit ni Job na ang katas nito ay matabang.
MALVAVISCO
[Job 6:6]