Ang ating Diyos tayo'y pinapatnubayan
Pinatatatag N'ya ang kaharian
Kaya nagwawagi sa pakikilaban
Ikaw, O Panginoon ay kaakbay
Tayo'y Nagtitipon
Hymn 6
Ikaw'y isang daungang nasasanggalangan
Sa bagyong dumadalaw sa'ting mga buhay
Ikaw'y sariwang bukal sa tuyong buhanginan
Sa iyo'y natatanaw ang pangakong bayan
Araw ng Kapahingahan
Hymn 260
Lubusin Mo nga sa amin ang muli Mong paglikha
Gawin Mo kaming malinis at dungis ay mawala
Sa amin ay ipamalas ang Iyong pagliligtas
At sa Iyo kami'y iharap sa langit ng pagliyag
Pag-ibig ng Diyos
Hymn 92
Ako'y kusang pasasakop at sa Kanya'y luluhod
Layaw ay iiwang lubos
Tanggapin ako, Jesus
Lahat ay Aking Ihahandog
Hymn 194
Sino ngayon ang lalakad
Sa naligaw ay hahanap
Kumilos na't h'wag magluwat
Tipunin ang natiwalag
Tinig Niya ay Pakinggan
Hymn 244
Salamat sa'yo, Amang banal sa mga kahabagan
Ang lahat nawa ng narito, Ikaw'y pasalamatan
Salamat sa'yo, O Jesus, sa dugong katubusan
O Banal na Espiritu, kami'y iyong hingahan
Umawit sa Kagalakan
Hymn 12
Sa kagandahan ng sanlibutan
Ang pasalamat at mga papuri
Galing sa Iyong mga nilalang
Sa Kabanalan ng Banal na Araw
Hymn 262
Sa harap N'ya'y anong galak
Kung matwid na ang lahat
Kung lumipas na ang hirap
Dilim ay lumiwanag
Pag Mukhaan Kong Nakita
Hymn 100
Hanggang may tumitibok, hininga sa pag-irog
Hindi ako tutugot hanggang di Ka mabantog
Ikaw ang nagpalubog sa angkan ng balakyot
Ikaw ang Batong Buhay
Hymn 180
Mga kaaway niya kahit s'ya'y siilin
Bato niyang himlayan kahit na durugin
Pananampalataya'y iniingatan din
'Pagkat gabing pagtangis pag-uumagahin
Ang Iglesia'y May Isang Kinasasaligan
Hymn 234
Kasama ng mga anghel, mga banal
Inyong ilakas ang awit ng kaligayahan
Kayong Malilinis, Matuwa at Umawit
Hymn 10
Tayo ay mangilin, Ang Diyos dalanginan
At tuloy nating sundin ang tunay na daan
Ating alinsunurin si Jesus b'ong araw
Tayo'y paiinumin sa bukal ng buhay
H'wag Kalilimutan ang Sabado
Hymn 266
Si Cristong sinasamba, Pangino'ng walang hanggan
Sa sabsaba'y sumilang sa saliw ng awitan
Sa lupa'y kapayapaan, Sa taong kinalulugdan
Si Cristo ay dumatal, Emmanuel ang pangalan
Dinggin at Umaawit mga Anghel sa Langit
Hymn 62
Sa pananampalataya'y nakita
Dugo Mong bumukal dahil sa sala
Kaya't bagong puso ang aking hangad
Paputiin akong parang busilak
Nais Ko, Poong Jesus, Maging Ganap
Hymn 206
Lubos na pagpapakumbaba
Ang hinahangad kong managana
Upang malasap ang biyaya
Nang pag-ibig Niyang sagana
Hymn 290
Huwag Mo akong dagling iiwan
Ang kandili Mo ay kailangan
Akong aba'y Iyong pagtiisan
At ako, Panginoo'y samahan
Poong Jesus, Lubog na ang Araw
Hymn 22
Ang pagpupuri'y awitin sa Panginoong Maykapal
Araw na kapahingahan sa kay Cristo ay tanggapin
Sanlinggo na Nama'y Nanaw
Hymn 270
Oh sa krus na yaon ako'y magtatapat
Mamahalin hanggang wakas
Pagsapit ng araw aking ilalapag
At ako sa langit lilipat
Sa Tuktok ng Isang Gulod
Hymn 82
Awitin nang malakas, Cristo'y nagliligtas
Sa kamatayang hamak, Cristo'y nagliligtas
Saysayin nang marahan sa pusong nagdaramdam
Kahit hanggang libingan, Cristo'y nagliligtas
Dinggin Mo ang Pahayag
Hymn 226
Sa saganang yaman ng ibang tao
Higit ang yamang pangako ni Cristo
Ang gantimpala na laan sa iyo
Higit sa lahat ng yaman ng mundo
Kung sa Buhay Mo'y Mayron Kang Ligalig
Hymn 300
Kung ako ay naninimdim
At ang buhay ko'y may lagim
Wala akong tanging aliw
Kundi ang ngalang Jesus
Ang Pangalang Anong Tamis
Hymn 14
Dumating ka nawa Haring mapagpala
Kaming mga aba dalhin sa biyaya
Ang buhay Mong pangungusap nawa sa ami'y tumalab
Nang kami'y makapagtapat
Binabati Kita
Hymn 272
Ang awit ay matatamis
At tunay na maalindog
Ang buong hukbo ng langit
Kasama ng nangatubos
Ako Ngayo'y Malapit na
Hymn 124
Ang bawat oras sa'Yong harapan
Lugod ang kinakamtan
Pag ikaw ay dinadalanginan
Na bilang kaibigan
Ako'y sa Iyo, Pangino'ng Mahal
Hymn 188
Dagsaan man ng bagabag
Sadyang kanlungan sa bagyo
Sa Diyos ako'y mapanatag
Sadyang kanlungan sa bagyo
Si Jesus ang Bato Natin
Hymn 358