(A)
Bugtong
Bugtong
Bugtong
Bugtong
Nang munti pa ay paru-paro, nang lumaki ay latigo.
Sitaw
Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag sila’y pumapasyal, nahahawi ang daan.
Gunting
Batakin mo ang tadyang,
lalapad ang likuran
Payong
Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.
Pako
Isang butil ng palay, sakot ang buong bahay
Ilaw/Bumbilya
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Langka
Buto't balat lumilipad
Saranggola
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Pluma o Pen
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Unan
Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak
Posporo