SALIK SA KARERA
PILIIN ANG STRAND
MGA PAGBABAGO SA BAGONG SHS CURRICULUM
PAMILYA AT PAGPAPASYA
CHALLENGE ROUND
100

Mahilig si Bea sa pagguhit at paggawa ng digital posters. Anong salik sa pagpili ng karera ang ipinapakita?

Hilig

100

Mahilig si Kate sa pagguhit, digital illustration, at animation. Anong elective ang kanyang pipiliin sa senior high school?

Creative arts and Design Technology

100

Sa bagong SHS Curriculum, ano ang pangunahing layunin ng pagdaragdag ng mga clusters at electives?

Upang makapili ang mga mag-aaral ng mga asignaturang mas naaayon sa kanilang interes, kakayahan, at planong karera.

100

Bakit mahalagang kumonsulta sa pamilya bago pumili ng strand?

Upang magkaroon ng gabay at suporta sa pagpapasya.

100

Magbigay ng dalawang salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng SHS strand.

hilig, talento, kasanayan, pagpapahalaga, katayuang pinansyal

200

Mataas ang marka ni Marco sa Math at Science. Anong salik ang ipinapakita?

Talento/Kasanayan

200

Si Josh ay mahilig sa Biology at Chemistry. Pangarap niyang maging doktor o nars. Anong elective ang kanyang pipiliin sa senior high school?

Science, Technology, Engineering, and Mathematics 

200

Ano ang pangunahing pagbabago sa pagpili ng pagdadalubhasaan sa ilalim ng Strengthened SHS Curriculum?

Ang mga mag-aaral ay pipili ng cluster at electives sa halip na nakatuon lamang sa dating mga strand.

200

Hindi sang-ayon ang iyong magulang sa napili mong strand. Ano ang pinakamainam mong gawin?

Makipag-usap nang maayos at ipaliwanag ang iyong dahilan habang isinasaalang-alang ang kanilang payo.

200

Magbigay ng isang halimbawa ng kursong maaaring tahakin ng isang STEM student.

Engineering, Nursing, Medicine, Architecture and or etc.

300

Limitado ang kita ng pamilya kaya naghahanap si Ana ng scholarship bago pumili ng kurso. Anong salik ang isinasaalang-alang?

Katayuang Pinansyal/ Economic Status

300

Mahilig si Carla magsulat ng balita, sumali sa debate, at nais maging abogado o mamamahayag. Anong elective ang kanyang pipiliin?

Arts, Social Science and Humanities

300

Paano makatutulong ang mas maraming pagpipiliang electives sa paggawa ng mas angkop na career plan?

Binibigyan nito ang mga mag-aaral ng pagkakataong iayon ang kanilang pag-aaral sa kanilang interes, kakayahan, at mga layunin sa hinaharap.

300

Ano ang maaaring maging pakinabang ng suporta ng pamilya sa pag-abot ng iyong pangarap?

Nagbibigay ito ng motibasyon, gabay, at emosyonal o pinansyal na suporta.

300

Magbigay ng isang sitwasyon kung saan mahalaga ang gabay ng pamilya sa pagpili ng strand.

Kapag nahihirapang magdesisyon ang mag-aaral o may limitasyon sa pinansyal na kakayahan.

400

Nais ni Josh maging guro dahil gusto niyang makatulong sa paghubog ng kabataan. Anong salik ang ipinapakita?

Pagpapahalaga

400

Mahilig si Leo sa pagluluto at nais magtrabaho sa hotel o restaurant pagkatapos ng Senior High School. Anong elective ang kanyang pipiliin?

Hospitality and Tourism

400

Ano ang pangunahing pagbabago sa bilang ng core subjects sa Strengthened SHS Curriculum?

Mula sa 15 core subjects naging 5 na lamang ito

400

Kung ikaw ang magulang, paano mo tutulungan ang iyong anak sa pagpili ng strand?

Makikinig sa kaniyang interes at kakayahan, magbibigay ng gabay, at susuporta sa kaniyang pasya.

400

Ipaliwanag kung bakit mahalagang kilalanin muna ang sarili bago pumili ng strand.

Pagkilala sa sariling hilig, talento, kakayahan, at pagpapahalaga ay nakatutulong sa paggawa ng tamang desisyon.

500

Magaling si Carla sa pagluluto dahil palagi siyang tumutulong sa kanilang maliit na karinderya. Anong salik ang higit na ipinapakita?

Talento/Kasanayan

500

Interesado si Marco sa negosyo. Madalas siyang tumulong sa online selling ng kaniyang pamilya at nais niyang magkaroon ng sariling negosyo balang araw. Anong elective ang kanyang pipiliin sa senior high school?

Business and Entrepreneurship

500

Anong ang total number of hours para sa work immersion sa bagong curriculum

640 hours

500

Bakit hindi dapat ang magulang lamang ang magdesisyon sa strand ng anak?

Dahil ang mag-aaral ang may pinakamalaking pananagutan sa kaniyang pag-aaral at karera, kaya mahalaga ang magkatuwang na pagpapasya.

500

Sa bagong SHS Curriculum, pinalawig ang work immersion para sa ilang cluster. Bilang isang mag-aaral, paano ka makikinabang sa mas mahabang work immersion? Magbigay ng dalawang dahilan.

  • Magkakaroon ako ng mas maraming aktuwal na karanasan sa trabaho.
  • Mas mahahasa ang aking kasanayan at magiging mas handa ako sa kolehiyo o trabaho.
M
e
n
u