Sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?
Si Buwan, si Araw, at ang mga bituin.
Ano ang naging tagpuan ng kwento?
Ang kwento ay naganap sa kalawakan at sa mundo.
Sino ang lumikha ng mundo
Bathala
Ano ang naging bunga ng abo na bumagsak sa mundo?
Halaman
Ano ang layunin ni Bathala sa paglikha ng Araw at Buwan?
Upang magbigay-liwanag sa mundo.
Anong simbolismo ang dala ng mga bituin at mga halamang may makukulay na bulaklak?
Ang mga ito ay sumisimbolo sa mga abo ng anak nina Araw at Buwan, na nagpatuloy sa iba’t ibang anyo sa kalawakan at sa mundo.
Sino ang asawa ni Araw?
Buwan
Anong bagay ang pinahiram ni Araw kay Buwan?
Bakit hindi maaaring lumapit si Araw sa kanilang anak?
Dahil masusunog ang anak nila sa matinding init ni Araw.
Paano muling nagkasundo sina Araw at Buwan
Naibalik ni Araw ang tiwala ni Buwan sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal at mga pagsisikap.
Ano ang naging anak nina Araw at Buwan?
Abo
Ano ang ginawa ni Bathala matapos likhain ang mga nilalang?
Pahinga
Ano ang nangyari sa kanilang anak nang subukan ni Araw na lumapit?
Nasunog at naging abo ang katawan ng bata.
Ano ang pangunahing tema ng kwento?
Pagmamahal, pagsisisi, at muling pagkakasundo.
Ano ang naging sanhi ng pagkasunog ng kanilang anak?
Init
Ano ang damdamin ni Buwan matapos masunog ang anak?
Lungkot
Paano ipinakita ni Araw ang kanyang pagsisisi sa nangyari sa kanilang anak?
Ginawa niyang kumuti-kutitap ang mga abo ng kanilang anak sa kalawakan at naging mga bituin.
Ano ang reaksyon ni Bathala matapos masaksihan ang pagkakasundo nina Araw at Buwan?
Labis siyang nasiyahan sa pagkakabuo at kagandahan ng mundo at kalawakan.
Ano ang kumakatawan sa mga abo ng kanilang anak sa kalawakan?
Bituin
Ayon sa kuwentong-bayan, saan nagmumula ang ningning ng mga bituin?
araw