History
Geography
Pop Culture
Environment
Sibuyan Island
100

Dito binaril si Jose Rizal.

Saan ang Bagumbayan?


100

Ito ang pinakamalaking pulo sa arkipelago ng Pilipinas at dito matatagpuan ang pambansang kabisera.

Ano ang Luzon?

100

Sila ang nagbuo ng bandang Ben&Ben.

Sino si Miguel Benjamin Guico at Paolo Benjamin Guico?

100

Ang critically endangered na ibong ito, na matatagpuan sa mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao, ay tinaguriang Pambansang Ibon ng Pilipinas.

Ano ang Philippine Eagle?

100

Ang Sibuyan Island ay isa sa tatlong pangunahing isla na bumubuo sa lalawigang ito sa rehiyon ng MIMAROPA.

Ano ang Romblon?

200

Sa ganitong paraan pinatay ang tatlong paring tinaguriang Gomburza.

Ano ang Garote?

200

Matatagpuan sa lalawigan ng Bohol, ang mga burol na ito ay nagiging kulay tsokolate tuwing tag-init.

Ano ang Chocolate Hills?

200

Ang binili ni Nadine Lustre sa Siargao na nag-viral.

Ano ang Mang Tomas

200

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong ito ng Karagatang Pasipiko na hugis-kabayo (horseshoe), kung saan matatagpuan ang mahigit 75% ng mga aktibong bulkan sa mundo at madalas ang paglindol.

Ano ang Pacific Ring of Fire?

200

Ito ang pangalan ng bundok na dominado ang gitna ng isla, na kilala sa kanyang matatalim at "lagarista" (saw-toothed) na tuktok, at itinuturing na isa sa pinakamahirap akyatin sa Pilipinas

Ano ang Mt. Guiting guiting?

300

Dito pinunit ng mga kaptipunero ang kanilang sedula na sumimbolo sa pagaklas laban sa Espanya.

Saan ang Pugad Lawin?

300

Ito ang pinakamahabang bulubundukin (mountain range) sa bansa na nagsisilbing natural na pananggalang ng Luzon laban sa mga bagyo mula sa Karagatang Pasipiko.

Ano ang Sierra Madre?

300

Siya ang Filipino member ng global girl group na KATSEYE.

Sino si Sophia Laforteza?

300

Ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang bansa sa mundo sa paggamit ng renewable energy na ito, na kumukuha ng lakas mula sa init sa ilalim ng lupa (tulad sa Tiwi, Albay at Leyte).

Ano ang Geothermal Energy?

300

Dahil hindi kailanman nadikit ang Sibuyan sa ibang bahagi ng kapuluan (never connected to mainland Luzon or Mindanao) kaya't napakaraming endemic na hayop at halaman dito, tinatawag ito sa bansag na "The _________ of Asia."

Ano ang Galapagos?

400

Siya ang asawa ni Andres Bonifacio.

Sino si Gregoria de Jesus

400

Ang rehiyong ito sa Mindanao ay tinaguriang "Land of Promise" at dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Bundok Apo.

Ano ang Davao Region/Region XI?

400

Dito nag-aral si Vice Ganda noong siya ay nasa kolehiyo.

Ano ang UP Diliman?

400

Ito ang terminong siyentipiko para sa mga species ng halaman o hayop na likas lamang sa isang partikular na lugar (tulad ng Tamaraw sa Mindoro) at hindi natural na makikita saanman sa mundo.

Ano ang Endemic or Endemism?

400

Ang ilog na ito sa Sibuyan ay pinarangalan bilang isa sa "cleanest inland bodies of water" sa Pilipinas at nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng hydroelectric power ng isla.

Ano ang Cantingas River?

500

Ang manunulat ng La Solidaridad ang may alias na Plaridel.

Sino is Marcelo H. del Pilar?

500

Ito ang anyong-tubig (strait) na naghihiwalay sa dulong hilaga ng Pilipinas (Batanes) at sa isla ng Taiwan.

Ano ang Bashi Channel?

500

Ito ang voice type ni Stell ng SB19.

Ano ang CounterTenor?

500

Kinikilala ng mga marine biologist ang anyong-tubig na ito sa pagitan ng Batangas at Mindoro bilang "Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity" sa buong mundo dahil sa yaman ng buhay-dagat dito.

Ano ang Verde Island Passage?

500

Noong Oktubre 24, 1944, sa "Battle of Sibuyan Sea," pinalubog ng mga eroplano ng Amerika ang barkong ito ng Japan—na itinuturing na isa sa dalawang pinakamalaki at pinakamabigat na battleship na nagawa sa kasaysayan.

Ano ang IJN Musashi?

M
e
n
u