Salitang may kaugnayan sa pag-ibig na sinasabi natin kapag may "paruparo sa ating tiyan".
Ano ang "kilig"?
Tumutukoy sa mga kasabihang kadalasan ay malungkot at may kaugnayan sa isang mapait na pag-ibig.
Ano ang "hugot"?
Ito ang paksa o ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.
Ano ang "simuno"?
Siya ang natatanging Presidente na tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".
Sino si "Manuel L. Quezon"?
Ito ay isang masamang kondisyon o karamdaman sa ating katawan na sinasabi rin natin kapag tayo ay nagagalit.
Ano ang "high-blood"?
Salitang "G" na sinasabi natin sa isang tao o hayop kapag siya ay sobrang kyut... o nakakainis.
Ano ang "gigil"?
Sinasabi natin kapag hinihiling natin na ang nakamit o nangyari sa isang tao ay gusto nating mangyari din sa atin... o sa lahat.
Ano ang "sana all"?
Isang salita o bahagi ng salita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Ano ang "pandiwa"?
Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987 ay nagsasaad na ang modernong wikang Pilipino ay magkakaroon ng dalawampu't walong (28) letra, kumpara sa naunang abakada na mayroong "blankong" letra.
Ano ang "20 (dalawampu)"?
Salitang hiram sa Ingles na sinasabi natin kapag nauuna ang oras ng relo o orasan mo kaysa sa tamang oras.
Ano ang "advanced"?
Salitang sinasabi ng ating mga magulang kapag gusto nilang sundin mo ang kanilang utos. Wala nang makakapatol sa sinabi mo kapag nasabi mo ang salitang ito.
Ano ang "basta"?
Mapanuyang salitang "L" na sinasabi natin kapag hindi kapanipaniwala ang sinasabi o nangyari sa isang tao.
Ano ang "luh"?
Ito ang antas ng isang pang-uri kapag ginagamit natin siya sa isang pangngalan at wala tayong inihahambing sa kanya.
Ano ang "lantay"?
Ang Proklasmayon Blg. 1041 na nagtaguyod na gawing "Buwan ng Wika" ang orihinal na "Linggo ng Wika" ay isinabatas ng administrasyon ng Presidenteng ito.
Sino si "Fidel V. Ramos"?
Normal na tao ang kahulugan nito sa Ingles, ngunit sa paaralan, ito ay uri ng pananamit kapag hindi nakasuot ng uniporme ang isang tao.
Ano ang "civilian (attire)"?
Kondisyong nangyayari kadalasan sa ating mga kamay o paa kapag ito ay nanginginig, namamanhid, at pinapawis.
Ano ang "pasma"?
Kahit may ibang kahulugan na ito sa wikang Filipino, ito ay ginagamit upang magpakita ng kalungkutan o pagtampo sa isang tao o sitwasyon.
Ano ang "awit"?
Lipon ng mga salitang may simuno at panaguri; pwede silang mag-isa o di makapag-iisa.
Ano ang "sugnay"?
Ito ang tula na sinasabing isinulat ni Jose Rizal na may sikat na katagang "Ang di marunong magmahal ng sariling wika, masahol pa sa hayop at malansang isda."
Ano ang "Sa Aking Mga Kabata"?
Kung ang ibig sabihin nito sa Ingles ay magligtas, kasulungat ang kahulugan nito sa Pilipino.
Ano ang "salvage"?
Isang "malas" na posisyon na ayaw ng mga matatanda kung saan ang ating baba ay nakasalalay sa palad o likod ng kamay.
Ano ang "kalumbaba/halumbaba"?
Ano ang "walwal(an)"?
"Ay", ito ang tawag sa pagsasama ng kahit anong patinig at katinig w o y.
Ano ang "diptonggo"?
Naisabatas ang Batas Commonwealth Bilang 570 na nagsasaad na magiging opisyal na wika ng Pilipinas ang wikang Filipino noong 1946 - kasabay sa araw ng pagdiriwang na ito sa Amerika.
Ano ang "Araw ng Kalayaan / US Independence Day"?
Hiram sa wikang Espanyol, ito ay tumutukoy sa isang panloloko o hindi matapat na pakikitungo - naituturing bilang isang kriminal na paglabag ng batas.
Ano ang "estafa"?