Magbigay ng limang bayaning kinilala ng National Historical Commission noong Nobyembre 15, 1995 bilang mga "pambansang bayani ng Pilipinas".
Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, at Gabriela Silang
SIno ang kinikilalang unang presidente ng Pilipinas matapos ang rebolusyon laban sa mga Kastila?
Emilio Aguinaldo
Sino ang unang babaeng presidente ng Pilipinas na nagtatag ng demokratikong Pilipinas matapos ang Martial Law?
Corazon C. Aquino
Ang mga linyang ito ay mula sa anong tula ni Jose Rizal?
"Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!"
Mi Ultimo Adios / My Last Goodbye
Ang kauna-unahang Pilipinong naitala sa kasaysayan na nag-alsa laban sa kolonyal na pamumuno ng mga Kastila noong 1521.
Lapu-Lapu
Siya ang "Dakilang Lumpo" na nagsilbing tagapayo ni Emilio Aguinaldo at sumulat ng "El Verdadero Decalogo."
Apolinario Mabini
Saan ipinanganak si Melchora Aquino, na kinikilala bilang "Mother of Philippine Revolution"?
Barrio Banlat, Caloocan (na ngayon ay Barangay Tandang Sora, Quezon City)
Ibigay ang ginamit na "penname" ni Marcelo H. Del Pilar.
Plaridel
Ano ang tawag sa tradisyunal na seremonya kung saan naghihiwa ng braso ang dalawang panig at inihahalo ang dugo sa alak bilang tanda ng pagkakaibigan at pagkakaisa?
Sanduguan
Kailan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas?
Hunyo 12, 1898
Saang lugar sa Luzon pinangunahan ni Diego at Gabriela Silang ang himagsikan laban sa mga Kastila?
Sino ang kompositor ng martsa na naging Pambansang Awit ng Pilipinas?
Julian Felipe
Sila ang mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas sakay ng barko upang magturo ng Ingles at edukasyon sa mga Pilipino.
Thomasites
Sino ang nagtaguyod na gawing Filipino ang ating wikang pambansa?
Manuel L. Quezon
Sino ang asawa ni Andres Bonifacio na siyang responsable sa pagprotekta ng mga dokumento ng Katipunan, paghamig ng mga rebolusyonaryo, at naging kasangga nito sa pagpapatakbo ng kilusan?
Gregoria de Jesús
Ibigay ang buong pangalan ng KKK o Katipunan.
Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Sino ang Rajah ng Maynila na matapang na humarap sa mga Kastila sa Labanan sa Bankusay at tumangging sumuko kay Miguel Lopez de Legazpi?
Rajah Sulayman
Kumpletuhin ang isinigaw ng mga Katipunero matapos nilang punitin ang cedula na siyang naging simbolikong panimula ng Himagsikan:
“Mabuhay ang _____! Mabuhay ang ______!”
“Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”
Sino ang tinaguriang "Ina ng Watawat" dahil siya ang nagtahi nito?
Marcela Agoncillo
Ibigay ang buong pangalan ng kinikilala nating pambansang bayani ng Pilipinas.
José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda