Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Ano ang Niyog?
Bayaning kilala bilang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
Sino si Apolinario Mabini?
Kilala siya sa bansag na "Ina ng Katipunan"
Sino si Melchora Aquino?
Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo.
Ano ang Wika?
Kauna-unahang “Miss Universe” ng Pilipinas.
Sino si Gloria Diaz?
Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Ano ang Asin?
Kilalang karakter ng mga Pinoy bilang isang batang tamad at ubod nang kamangmanag.
Sino si Juan Tamad?
Unang aklat na nailimbag sa Pilipinas.
Ano ang Doctrina Christiana?
Ito ay binubuo ng salita o mga salitang may buong kaisipan o diwa.
Ano ang Pangungusap?
Dayuhang nagbigay ng pangalang Felipinas sa ating bansa.
Sino si Ruy Lopez De Villalobos?
Maikling landasin, di maubos lakarin.
Ano ang Anino?
Saang nobela mababasa ang karakter nina Crispin at Basilio.
Ano ang Noli Me Tangere?
Mas kilala ang tatlong Pareng Martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa tawag na ______.
Ano ang GomBurZa?
Tawag sa makahulugang tunog ng isang wika.
Ano ang Ponema?
Kilalang pinuno ng Alemanya na naging isa sa tagapagataguyod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sino si Adolf Hitler?
Itim na kaisipan, sa puting kasuotan.
Ano ang Sulat?
Isang karakter na ibon sa panitikang Pilipino na may kakayahang makapagpatulog sa pamamagitan ng kanyang awit.
Ano ang Ibong Adarna?
Ito ang pinakamataas na posisyon na maaaring hawakan ng mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol.
Ano ang Gobernadorcillo?
Tawag sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Ano ang Jargon?
Siya ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas sa Panahon ng pagragasa ng matinding bagyong si “Yolanda”
Sino si Benigno “Noynoy” Aquino Jr.?
Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Ano ang Unan?
Tinaguriang Prinsipe ng Makatang Tagalog
Sino si Francisco Baltazar?
Itinuturing na sinaunang anyo ng pagsulat ng Pilipinas.
Ano ang Baybayin?
Ito ay salita o parirala na nagtuturing sa katangian ng isa pang salita o pangkat ng mga salita, lalo na ng pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay, at nagpapahayag ng ugnayan sa pook, panahon, paraan, sanhi, antas, at katulad.
Ano ang Pang-abay?
Pangulo ng Pilipinas na naging tanyag sa proyektong “Philippines 2000” na namatay nitong Hulyo 31, 2022.
Sino si Fidel V. Ramos?