JOLLIBEE
MCDO
KFC
5

 Ang kabihasnang ito ay sinasabing nag-ugat mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak Huang Ho. Hindi pa ito lubusang napapatunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensyang arkeolohiya. Ilan sa mga nagging ambag nito ay ang paggawa ng kanal sa paligid ng Yellow River, ang pinakamahabang ilog sa paligid ng Tsina at ang pinagkukunang ng ikinabubuhay ng mga tao at ang pagtatatag ng ideolohiya ng dinastiya bilang isang matatag na uri ng pamahalaan. Ito ay nagsimula noong 2000 BCE at nagwakas noong 1570 BCE.

A. Kabihasnang Shang

B. Kabihasnang Xia

C. Kabihasnang Zhou

B. Kabihasnang Xia

5

Ang kabihasnang Han na laganap noong 202 BCE hanggang 200 CE ay ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism. Naging matagumpay ang pamumuno ng dinastiyang Han dahil sa dalawang dakilang pinuno: sina Gaozu at Wudi. Si Wudi (Wu Ti) ang isa sa maiimpluwensiyang emperador ng dinastiyang Han. Sa kaniyang panahon lumawak ang nasasakupan ng imperyo. Isa sa pinakamalaking ambag ng dinastiyang ito ay lubos na napakikinabangan sapagkat ito ang nagging gabay upang malaman ang mga pangyayari sa China ng panahong iyon. Ano ang pinakamalaking ambag ng dinastiyang Han?

A. Pagsulat ng Kasaysayan ng China

B. Oracle Bone

C. Great Wall of China

A. Pagsulat ng Kasaysayan ng China

5

Itinatag ni Kublai Khan ang dinastiyang Yuan noong 1279 CE at ito ay nagwakas noong 1368 CE.. Sa unang pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro. Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong kultural, tradisyon at wika.Pagkatapos ng mga labanan dumaan sa dinastiyang Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan. Paano bumagsak ang kabihasnang Yuan?

A. pagaalsa sa pamumuno ni Zhu Yuanzhang

B. pagbagsak ng ekonomiya

C. pagkasira ng lugar dahil sa sunod- sunod na trahedya

A. pagaalsa sa pamumuno ni Zhu Yuanzhang

10

Ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong Tsino. Naiwang kasulatan ng panahong ito ay ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bone o mga tortoise shell at cattle bone. Malimit ang isinasagawang pagsasakripisyo ng mga tao lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno. Anong kabihasnan ito?

A. Kabihasnang Shang

B. Kabihasnang Xia

C. Kabihasnang Zhou

A. Kabihasnang Shang

10


Sa Kabihasnang Sui (598- 618 CE), nagkaroon lamang ng dlawang emperador. Gayon man, nagawa nitong muling pagisahin ang watak watak na teritoryo ng China. ito ay ipinagawa na naguugnay sa mga ilog ng Huang-Ho at Yangtze. Isa sa mga nagging ambag nito ay ang mapaayos ang Great Wall of China na ginawa noong dinastiyang Qin. Ang isa pang nagging ambag nito ay ang mapagugnay ang mga ilog Huang Ho at Yangtze. Ano ang tawag sa ambag na ito?

A. Grand Canal

B. Irrigation

C. Water Station

A. Grand Canal

10

Sa dinastiyang Ming na nagsimula noong 1368 CE ay naitayo ang malaking bahagi ng Great Wall of China. Naitayo rin ang Forbiden City sa Peking na nagging tahanan ng emperador. Ang sining ay napayaman particular ang paggawa ng porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa pamumuno ni Admiral Zheng HE.  Bumagsak ang dinastiyang sa paraang pinahina ito ng mga pagtutul sa mga pagbabago sa lipunan. Kailan bumagsak ang dinastiyang Ming?

A. 1644

B. 1645

C. 1647

A. 1644

15

Sa kabihasnang ito, umusbong ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang Confucianism, Taoism at Legalism. Naniniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit. Nagsimula ang kabihasnang ito noong 1045 BCE at nagwakas a ito noong 221 BCE. Anong kabihasnan ito?

A. Kabihasnang Xia

B. Kabihasnang Shang

C. Kabihasnang Zhou

C. Kabihasnang Zhou

15

Ang kabihasnang Tang na nagsimula noong 618 at nagwakas noong 907 CE  ay isa sa mga dakilang dinastiya ng China sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya. Ibinalik ang civil service examination system na nagging mahalaga sa pagpili ng opisya na pamahalaan. Ano ang naging dominanteng relihiyon sa panahon ng Kabihasnang Tang at ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao?

A. Hinduism

B. Buddhism

C. Kristiyanismo

B. Buddhism

15

Ang kabihasnang Qing ay itinatag ng mga Manchu noong 1644 CE. Matapos magapi ang dinastiyang Ming ng mga demi-nomadic mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na barbarong dayuhan.Hinangad ng Rebelyong Taiping at Rebelyong Nien na pabagsakin ang ang mga Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin.  Sa anong dahilan bumagsak ang dinastiyang Qing noong 1911?

A. naganap ang rebolusyong 1911

B. bumagsak ang ekonomiya noong 1911

C. pagkamatay ng pinuno noong 1911

A. naganap ang rebolusyong 1911

20

Sila ang gumapi sa mga estado ng dinastiyang Zhou. Sa ilalim ng dinastiyang ito at sa pamumuno ni Ying Zheng ay nagawang pagisahin ang mga nandidigmang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Itinuring din niya ang kanyang sarili bilang Unang emperador ng China at kinilala siya bilang si Shi Huangdi. Naitayo din sa kabihasnang ito ang Great Wall of China bilang tanggulan laban sa mga tribong nomadiko. Ito ay nagsimula at nagwakas noong 221 BCE- 206 BCE.

a. Kabihasnang Xia

b. Kabihasnang Shang

c. Kabihasnang Qin

C. Kabihasnang Qin

20

Ang dinastiyang Song ay itinayo ng hukbong imperial noong 960 CE at nagwakas noong 1127 CE. Nalikha dito ang isang paraan ng paglilimbang. Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China kaya napilitan ang dinastiyang ito na iwanan ang kabisera noong ika 12 siglo.  Isa sa mga naging dahilan kung bakit tumagal ang dinastiyang ito ay dahil naging sapat ang suplay ng pagkain sa China sa Kabihasnang Song. Sa paanong paraan nagging sapat ang suplay ng pagkain sa kabihasnang ito?

A. pagunlad ng teknolohiyang agrikultural

B. pagkatuto ng mga mamamayan sa agrikultura
C. pagbaba ng presyo ng bilihin

A. pagunlad ng teknolohiyang agrikultural

M
e
n
u