Ang mananaliksik ay nakikituloy sa tirahan ng kanyang kalahok habang isinasagawa ang pananaliksik sa patnubay at pahintulot ng pamilya. Anong pamamaraan ang ginamit ng mananaliksik?
PAKIKIPANULUYAN
Ilan ang naging taga-batid o naging kalahok ng pag-aaral na ito?
Limang katao sa mga taga-Tiaong
Ano ang pananda sa panahon ng mga taga-Tiaong kapag nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan?
MADALING ARAW
Nahihiwatigan ng mga taga-Tiaong ang pagdaraan ng panahon sa pamamagitan ng mga sentidong tulad ng ano?
paningin, pandinig, at panghipo
Ano ang madaling makakalap sa pamamagitan ng tunay na pagtira sa bahay ng mga kalahok?
DATOS
Habang nakikisangkot at nagmamanman ang sumulat, ano pa ang kadalasang ginagawa ng mananaliksik para makahanap ng impormasyon?
Nagtatanung-tanong din siya.
Ano ang pananda sa panahon ng mga taga-Tiaong kapag unti-unting nang kumikiling o lumulubog ang araw?
HAPON
Bagama't pamilyar na ang mga taga-Tiaong sa mga kalendaryo, orasan at iba pang makabagong panukat ng panahon, ano ang mas ginagamit nilang paghiwatig ng panahaon?
Mga natural na pangyayaring nagaganap sa kanilang kapaligiran.
Anong baryo isinagawa ang pag-aaral na "Pakikipanuluyan: Tungo sa Pag-unawa sa Kahulugan ng Panahon" ni Erlinda Nicdao-Henson?
Sa baryo ng Tiaong, Guiguinto, Bulacan.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral, tumira ang may-akda sa Tiaong ng ilang buwan?
Tatlong buwan
Ano ang pananda sa panahon ng mga taga-Tiaong kapag bahagya na lamang nababanaagan ang tao?
TAKIP-SILIM
Iba't ibang mga pagbabago sa kalikasan ang ginagamit nilang batayan sa pagmamarka ng panahon. Ang mga ito ay ang mga namamatyagan nilang pagbabago sa ano? Magbigay ng isa.
Kalagayan ng kalangitan, klima, halaman, hayop at tao.
Ayon sa tala ng mga tauhan ng tanggapan ng Kawanihan ng Senso at Estadistika sa Malolos, ilan ang kabuuang populasyon ng Tiaong sa taong 1975?
1,434.
Magbigay ng isang aksyon na isinagawa ng mananaliksik sa mga piling kalahok.
pakikisalamuha, pakikisangkot, pagma-masid, pagtatanung-tanong at pakikipanayam
Ano ang pananda sa panahon ng mga taga-Tiaong kapag ngumingiti na ang araw at namumula-mula na ang kulay ng langit?
BUKANG-LIWAYWAY
Karaniwan nilang ginagamit ang mga ito sa pagsasabi ng panahon.
Mga pagbabago sa lagay ng kalangitan: Ang araw, buwan, mga bituin, dilim at liwanag.
Ano ang layunin ng pag-aaral na isinagawa ni Erlinda Nicdao-Henson?
Mabigyang-linaw ang konsepto ng panahon ng mga taga-Tiaong.
Magbigay ng ilan sa mga karaniwang gawain ng mga taga-Tiaong na nakisangkot ang mananaliksik habang siya nakatigil dito.
1. Nakikipagkuwentuhan sa mga kababaihan
2. Naglalaba sa harap ng posong malapit sa bahay niya
3. Nakisalamuha sa mga taga-roon
4. Naki-isa sa ilang gawain upang pasamut-samot na makakalap ng mga impormasyon
ANG POSISYON NG ARAW
Magbigay ng isang pangyayari na nagpapahiwatig sa mga taga-Tiaong ang pagdaan ng panahon.
(1) mga pagbabago sa kalikasan tulad ng pagbabago sa lagay ng klima, kalawakan, halaman, hayop at tao
(2) mga pagbabago sa lagay ng lipunan mula sa mga pangyayaring sumasakop sa buong mundo;
(3) mga pagbabago sa mga saloobin ng mga tao tulad ng kanilang damdamin, paniniwala, pananalig, palagay, kuro-kuro, at pagturing at pagpapahalaga sa iba't ibang bagay
(4) mga pagbabago sa mga materyal na bagay na likha ng tao tulad ng eroplano, telebisyon, orasan at iba pa.