"Meron ako, meron ka, mulang pagkabata, meron tayo nito." Ano ito?"
Karapatan
"Bago ako sumali sa isang laro o programa, dapat ay ipaliwanag muna sa akin nang maayos at malinaw. Ano ito?
Informed Ako
"Ako ay isinasagawa dalawang beses sa isang taon, tuwing Enero at Hulyo, para patalsikin ang mga bulate sa tiyan!" Ano ito?
Deworming
"Ako ay napakahalaga para sa malusog na katawan, para maiwasan ang sakit, at para maging malusog ang ating katawan at pagiisip." Ano ito?
Wastong Nutrisyon
"Ako ang iyong sandata laban sa mga cavity. Ginagamit ito nang marahan nang dalawang beses sa isang araw." Ano ito?
Toothbrush o Sipilyo
"Ako ang karapatang sumigaw ng 'Uy Uy! Dapat pakinggan niyo ang opinyon ko!' sa mga bagay na may kinalaman sa buhay ko."
Karapatang Mapakinggan
"Ako ang nagsasabing, 'Uy, huwag kalimutan isama ang mga batang laging naiiwan, tulad ng may kapansanan at katutubo! Ano ito?
Kasali ako
"Ako ay serbisyo kung saan tinitignan ng dentista ang iyong mga ngipin at nilalagyan ito ng fluoride para lumakas at maiwasan ang cavities." Ano ito?
Oral Health Check-up
"Ako ay isang pagkain na mayroong LAHAT ng mahahalagang sustansya na natural na makikita sa pagkain, kabilang ang carbs, protina, at bitamina." Ano ito?
Balanseng Pagkain
"Ako ay superhero na dalawang beses sa isang taon mong dinadalaw para tiyaking malusog at malakas ang iyong mga ngipin." Ano Ako?
Dentista
"Sila ang mga taong may hawak ng pera at kapangyarihan para tiyaking natutupad ang lahat ng karapatan ng mga bata. Sila ang dapat managot."
Duty Bearer o Gobyerno
"Pagkatapos naming magbigay ng aming mga ideya, dapat ay sabihan kami kung ano ang nangyari sa mga sinabi namin. Ano ito?
May Follow Up
"Ako ay serbisyo kung saan binibigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang kulang sa timbang at nutrisyon sa paaralan." Ano ito?
School-Based Feeding Program
" Ako ay Dapat mas marami ang kainin mo nito kaysa sa karne. Nagbibigay ito ng bitamina, mineral, at fiber para sa malusog na katawan!" Ano ito?
Gulay at Prutas
"Ako ay parang maliit na lubid na pumapasok sa pagitan ng iyong mga ngipin para linisin ang mga lugar na hindi naaabot ng sipilyo." Ano ito?
Dental Floss
"Ako ang prinsipyo na nagsasabing kahit ano pa ang itsura mo, o kung saan ka nakatira, o kung anong relihiyon mo, dapat ay kasali ka pa rin at walang maiiwan."
Walang Diskriminasyon lahat kasali
"Dapat ay walang mananakit o magagalit sa akin kapag nagpahayag ako ng aking nararamdaman o opinyon. Ano ito ?"
Safe Ako
"Ako ay paraan ng pagkalat ng sakit kapag umubo o bumahing ang isang tao at malanghap mo ang maliliit na patak na may mikrobyo." Ano ito?
Airborne Transmission
"Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng tubig o gatas. Ano naman ang dapat iwasan o bawasan?"
sobrang matatamis at maalat
"Ako ay maliit na butas o uka sa ngipin na nagsisimula kapag naging masyadong masaya ang mga bad bacteria sa sobrang matatamis." Ano ito?
Cavity o Bukbok
"Kapag may mga desisyong gagawin ang mga matatanda, dapat unahin nila ang prinsipyong ito, na nagsasabing 'ano ba ang pinakamaganda para sa bata?'."
Best Interest of the Child
"Dapat pakinggan ang opinyon ko, huwag maliitin, at igalang ang kultura at wika ko. Ano ito?
Nirerespeto Ako
"Ako ay kalinisan na nagsisimula sa iyong sarili, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo, at pagsusuot ng malinis na damit." Ano ito?
Pansariling Kalinisan o Personal Hygiene
"Ako ay pagkaing tulad ng isda, manok, gatas, at itlog ay mahalaga para sa malakas na mga kalamnan at buto." Ano ito?
Protina
"Ako ang maliliit na nilalang sa bibig na umaaway sa ngipin. Gustung-gusto nila ang matatamis at gumagawa ng asido na nakakabutas ng ngipin!" Ano ito?
Bad Bacteria